My Road to Fitness Journal

MacoMaco Posts: 5
edited December 2016 in Personal Journals

So i decided to post my journal now here. Para mas matulungan ako ng mga master.
Kakajoin ko lang dito sa PBB. Beginner ako sa body building im 5'4", 28 years old.
Home Workout lang ako sa ngayon at isang barbell lang gamit ko, kasi ang totoo nahihiya talaga ako pumunta ng Gym. LOL

Sa ngayon 4days/Week ang workout ko. Bale ako lang gumawa ng workout routine ko na natutunan ko sa panonood sa youtube.haha
Pero papalitan ko din tong workout ko pag nag Gym na ako kaya need ko ng help dito. :smile:

mon:Upper + Back
tue: Lower + core
wed:rest
thu: Upper + Back
fri:Lower + core
sat,sun: rest

Ito workout routine ko sa ngayon. hindi ko alam kung tama yung ginagawa ko.

UPPER & Back (12x3 ang ginagawa ko sa lahat pero dinadagdagan ko yung rep sa 2nd at 3rd sets then at HIIT yung 3rd set)

bent over barbell row
overhead press
inclined bench press
barbell curls
bench press
Barbell+ rope Rows(wala dumbell so improvise)
bench press triceps extension
Seated Goodmorning
Upright Barbell Rows
Push Ups
reverse grip Bench press
Skydiver

LOWER & Abs

Barbell Squats 12x3
Situps 20x3
Good Morning 12x3
Leg Raise 20x3
Figure 4 Crunches 15x3 each side
Front Barbell Squats 12x3
Plankings (Full,Half,Side) 1min Full,30sec half plank and side)
Mountain Climbers 20x3
Lunges (Weighted) 20x3
Bicycle 20x3
Deadlift (Not "Dead"lift actually kasi magaan lang yung barbell ko para dito) 12x3
-Nagiincrease ako ng rep sa 12x3 kasi feeling ko magaan na ngayon yung barbell na binubuhat ko. then always HIIT yung 3rd set

Alam kong hindi tama yung gumawa ng sariling workout routine. hahaha pero no choice lang talaga ako. Sana matulungan nyo ako ng dapat kong gawin. Kasi hindi ko alam kung overtraining yung ginagawa ko.

About naman sa nutrition. Hindi ako nagkacount ng macro.
Usually budget lang ako sa pagkain, egg,canned tuna,Fish,Chicken Breast inasal,White Rice,Nuts,banana. Yan ang madalas kong kainin.
At malakas ako sa white rice.

Ito lang ang image na nasave ko nung nagsstart ako. Actually hindi ito yung week1 na image. mga week3 na to.

then ito na yung week16

Sa tingin ko mabagal yung progress ko, pero naging masaya ako sa resulta ng ginawa ko.
Sa salamin ko lang tinitingnan yung progress ng body ko since wala akong body weighing scale dito sa bahay. At sa tingin ko naman may pagbabago sa katawan di tulad nung una na mabilis akong mapagod.

Hanggang ngayon sa bahay parin ako nagbubuhat. Kasi hindi ko alam yung gagawin ko pag pupunta ako ng Gym. Sana mabigyan nyo ako ng tips sa proper workout routine and diet plan na rin.

Maraming salamat in advance mga master.

Mukhang napahaba ata yung introduction ko. haha

Post edited by Maco on

Comments

Sign In or Register to comment.

Today's Bible Passage