Newbie here na may konting tanong

Hi mga sir naligaw ako dito sa site na ito at nagstart magbasa basa about sa body building may mga natutunan ako at mas madali kong naintindihan kasi tagalog. haha
Week16 ko na ngayon nagwowork out pero hindi ako pumupunta sa gym sa bahay lang, at isang barbell lang gamit ko na hindi ko pa alam ang bigat pero alam kong sakto lang yung bigat nun para sa akin. After 16 weeks of working out with one barbell nakita ko yung konting gain ng muscle, siguro dahil sa beginner ako at yun yung tinatawag na "Beginners gain".
Hindi ko alam ang weight ko ngayon kasi wala akong body weighing scale sa bahay.

4days/week ang work out ko.
mon: Upper
tues: Lower
wed:rest
thr: Upper
Fr: Lower
sat: Rest
sun: rest

Sa ngayon gusto kong seryosohin ang bodybuilding not in a way na gusto kong magcompete sa mga bodybuilding competition. haha
Gusto ko lang maging maayos ang health ko at the same time pang akit ng chikas. hahahah

ito ang ilang tanong ko.
Sa ngayon kasi tuwing gabi ako nagwowork out kasi sa gabi lang ako may freetime kasi may trabaho ko.
Ayos lang ba talaga na sa gabi ako nagwowork out? 7pm

Hindi ako marunong magcompute ng macro. Nababasa ko na to dati about sa macro nutrients pero hindi ko talaga magets siguro dahil english. haha

Parang hindi talaga kaya ng sched ko magpunta ng gym so plano ko nalang gumawa ng sarili kong equipment ano sa tingin nyo ang ok na gawin kong equipment para sa workout ko?

Kailangan ko ba magtake talaga ng supplements?

yun lang po ang tanong ko sa ngayon.


ps: Maliit lang akong tao. nasa 5'3" or 5'4" lang ako.
age:28

Baka may mga tips kayong pwedeng maibigay sakin para sa mas mabilis na progress.

Maraming salamat.

Comments

  • t4g4yt4g4y Posts: 1,675S-Class

    Wow dedicated ka paps! una Welcome to PBB :)

    pangalawa gawa ka personal journal eto ang link.

    http://pinoybodybuilding.com/categories/training-journals

    Click New Discussion

    I suggest mag basa ka rin ibang journals dito paps para may idea ka kung pano gumawa journal at mas ok kung may pictures mo para maka suggest agad ang mga masters dito :) ok? Good luck and happy lifting

  • TRoll_W_a_HeartTRoll_W_a_Heart Posts: 1,308S-Class
    share ko lang

  • dimzon03dimzon03 Posts: 1,529A-Class

    @Maco said:

    ito ang ilang tanong ko.
    Sa ngayon kasi tuwing gabi ako nagwowork out kasi sa gabi lang ako may freetime kasi may trabaho ko.
    Ayos lang ba talaga na sa gabi ako nagwowork out? 7pm

    Hindi ako marunong magcompute ng macro. Nababasa ko na to dati about sa macro nutrients pero hindi ko talaga magets siguro dahil english. haha

    Parang hindi talaga kaya ng sched ko magpunta ng gym so plano ko nalang gumawa ng sarili kong equipment ano sa tingin nyo ang ok na gawin kong equipment para sa workout ko?

    Kailangan ko ba magtake talaga ng supplements?

    yun lang po ang tanong ko sa ngayon.


    ps: Maliit lang akong tao. nasa 5'3" or 5'4" lang ako.
    age:28

    Baka may mga tips kayong pwedeng maibigay sakin para sa mas mabilis na progress.

    Maraming salamat.

    Ayos lang sa gabi, karamihan sa gabi nagbububhat pagkagaling sa trabaho.
    7pm maaga pa yan sir hehe

    Macro? calling @TRoll_W_a_Heart @t4g4y

    Dati sa bahay lang din ako nagumpisa, sementong dumbbell tapos kng anung mabigat dun... may makikita ka progress pero hindi pangmatagalan yan. Kaya mas maganda maghanap ng gym na malapit sa bahay nyo o sa trabaho mo.

    Supplements? Pwede kung may extra pera ka...pero kung wala naman pagkain nalng sir.

    Astig magka height tayo sir :wink:

  • MacoMaco Posts: 5
    edited December 2016

    Maraming Salamat sir TRoll at sir t4g4y , siguro sa ngayon try ko muna gumawa ng journal. hehe
    Medyo madami madami na din ako napanood na vids sa youtube ang dami kong natutunan lalo na dito sa "Picturefit" na channel na shinare nyo sir. buti na lang napadpad ako dito. haha 4 months na akong nagbobrowse about sa body building ngayon ko lng nakita tong site na Pinoy Body Building.
    Siguro sa ngayon basa basa muna ako ako bago gumawa ng journal ko. :smile:

    Maraming salamat ulit sir.

    Post edited by Maco on
  • MacoMaco Posts: 5

    @dimzon03 Ou sir sa ngayon nga parang ang gaan na ng binubuhat ko kung hindi ko nagdadagan yung rep hindi ako pagpapawisan. ahaha.
    Siguro sa ngayon hahanap ako ng malapit na Gym para madagdagan yung progress ko.
    At simulan ko yung journal ko dun. :smile:
    Since plano ko naman talaga seryosohin ang body building.

  • dimzon03dimzon03 Posts: 1,529A-Class

    @Maco said:
    dimzon03 Ou sir sa ngayon nga parang ang gaan na ng binubuhat ko kung hindi ko nagdadagan yung rep hindi ako pagpapawisan. ahaha.
    Siguro sa ngayon hahanap ako ng malapit na Gym para madagdagan yung progress ko.
    At simulan ko yung journal ko dun. :smile:
    Since plano ko naman talaga seryosohin ang body building.

    Ayos! Goodluck sir :smile:

  • TRoll_W_a_HeartTRoll_W_a_Heart Posts: 1,308S-Class

    macros...
    research ka paps, working out is just 20-30%, most of it is nutrition(macros) and rest..
    download ka ng myfitness pal...layman terms, kain ka lang kain as long as hindi junk, pag nakikita mo, tumataba yung tyan mo, bawasan mo ang carbs or kanin/tinapay...concentrate ka sa itlog, karne, isda at gulay...yung unang anim na buwan ang oras na pinaka madaling lumaki, kasi yung katawan mo ay nabigla at kailangan ng pagkain.......hirap mag type ng tagalog..

  • dimzon03dimzon03 Posts: 1,529A-Class
    edited December 2016

    @TRoll_W_a_Heart said:

    hirap mag type ng tagalog..

    Natawa ako dito ah... yan na sir @Maco nagtagalog si sir para sayo hahaha

    Post edited by dimzon03 on
  • MacoMaco Posts: 5

    @TRoll_W_a_Heart hahaha napatagalog tuloy si sir.
    Salamat mga sir. Siguro magreresearch pa akong mabuti.
    Gagawin ko po itong tips nyo sir. Maraming salamat.

    Goodluck sa akin. hehe

  • t4g4yt4g4y Posts: 1,675S-Class

    @dimzon03 said:
    Natawa ako dito ah... yan na sir Maco nagtagalog si sir para sayo hahaha

    hahahahahahaha kulit

Sign In or Register to comment.

Today's Bible Passage