road to forever

hi ako po si elvis. nag ggym na po ako dati kaso patigil tigil dahil sa school at gawaing bahay(luto,alaga kapatid,linis) so naisipan ko pong bumili nang bench na adjustable,curl bar, barbell bar, 2 dumbell, 200lbs plates,pull up bar( yung sinasabit sa pinto),abs wheel at gymnastic ring,punching bag. bali hindi ko po yan sabay sabay binili paisa isa lang po hanggang mabili ko silang lahat.

napansin ko naman pong may nag babago sakin kahit papano.lalo na sa strength sa pag bubuhat. kaso parang minsan po feeling ko parang walang nag babago sa katawan ko minsan naman feeling ko ang ganda na nang katawan ko. ang tanong ko lang po kulang po ba yung mga gamit ko? ayoko po sana tlgang pumunta nang gym kasi kumportable na ko sa bahay. kasi po pag dating ko nang 5 galing school papàhinga lang ako kakain tapos workout after nun ligo tapos aral na.ganun po yung routine ko.minsan po di ako nakakapag workout kasi pagod na sa school gusto ko na lang matulog.

reason ko po kaya ko nag bubuhat eh yung walang hiyang gf ko po. kasi po dati nag babasketball ako tapos bigla akong nag hubad kasi sobrang pawis ko na. dahan dahan pa yung pag hubad ko na feeling ko mala derek yung katawan ko habang papunta sa kanya tapos bigla nyang sinabe sakin na "mag damit ka umaalog yung taba mo" kaya po nag suot ulit ako nang damit napahiya masaktan.(hahahaha). simula po nun sinabe ko sa sarili ko na one day pag nag hubad ako mag lalaway sya sakin. at sa kasamaang palad po 5 months na. nganga pa din. masakit.

ang workout ko po ay:

chest,tricep
benchpress 5x5 120lbs
incline dumbell 8x3 70lbs 35lbs 35lbs
push up 3x10
close grip bench press 3x10 70lbs
tricep kickback 3x10 25lbs

back,bicep
deadlift 5x5 150lbs
row 8x3 40lbs
bicep barbell curl superset(not sure po kung yun yung tawag mag sisimula ako sa tig 5lbs 12 reps tapos add 5lbs 10 reps hanggang 30lbs)
dumbell row 8x3 30lbs

legs,shoulder
front squat(wala kasi akong squat rack) 8x3 50lbs
military press 5x5 60lbs
arnold dumbell press 8x3 20lbs
lunges 8x3

kakabili ko lang po nung pull ups at gymnastic ring balak ko pong gawin dun yung mga workout sa back at sa chest(dips). yan lang po muna. tulog na po ako. sana tama desisyon ko gumawa nang ganto dito hahaha.

Comments

  • t4g4yt4g4y Posts: 1,669S-Class

    Welcome to PBB paps!

  • elviselvis Posts: 3

    thank you po! sir okey lang po ba yung workout ko?

  • ErwinROmmelErwinROmmel Posts: 75D-Class

    anu yung kinakain mu?

  • pandoypandoy Posts: 596A-Class

    @elvis said:
    thank you po! sir okey lang po ba yung workout ko?

    mukang ok naman sir, may compounds, may isolation din.. welcome to PBB sir!

Sign In or Register to comment.

Today's Bible Passage