Muay thai tips and advice please.

so nag start po ako mag muay thai manghihingi lang po ako ng advice sa technique and pano mapapalakas ang pagsuntok at pano mapapabilis and aswell na din sa sipa pano ito mapapalakas at mapapabilis? gagawin ko to during off days para atleast functional padin katawan ko thank you. and if may tips and advice pa kayo na madadagdag share niyo lang po thank you.

Comments

  • alerace15 wrote:
    so nag start po ako mag muay thai manghihingi lang po ako ng advice sa technique and pano mapapalakas ang pagsuntok at pano mapapabilis and aswell na din sa sipa pano ito mapapalakas at mapapabilis? gagawin ko to during off days para atleast functional padin katawan ko thank you. and if may tips and advice pa kayo na madadagdag share niyo lang po thank you.

    Hi @alerace15 siguro mga mag 2 months pa lang din ako nag mu-muaythai training so I guess ang ma i aadvice ko pa lang is yung based on my experience and sa mga turo sa akin. So don't take this as an expert's advice, because I'm not. XD

    Regarding sa pano mapapalakas ang suntok, start with the proper way of doing the punches, start with the proper stance, and the power should come from feet to hips upwards hanggang sa arms. More on power from the hips rather than the arms. (Kinetic linking)

    Ang sabi sakin ng trainer ko, ang pagsuntok ay gaya ng pagbato ng bola ng isang baseball player, so ang ginawa ko is inimagine ko na yung kamao ko is bola, so pagsusuntok ako, let say jab, iniimagine ko na ibabato ko yung kaliwang kamao ko na parang bola. So malaking tulong talaga ang shadow boxing, start doing it slowly but proper, pakiramdaman mo na dumadaloy yung enerhiya mo from feet, HIPS, up to the fist. By the way, foot pivoting is also important sa straight, and hooks.

    And kicking talaga is mahirap ma-master, base sa turo and panood ko ng youtube videos, ang teknik ko ay , sorry for the word, "kinakadyot" ko yung hangin. hehe.. yun din kasi ang term na sinabi sakin. hehe.. kumbaga you thrust your hips in the air, para bang nakikipagsex ka sa hangin. hehe. and throwing your arm backwards is mahalaga din para ma-open kumbaga yung hips para dagdag lakas daw. hehe.

    Sa speed, yun din ang problema ko. haha.. medyo mabagal talaga ako, pero sabi ng mga naka spar ko at trainers, malakas daw yung suntok ko so parang yun lang specialty ko talaga.Excited ko na nga masubukan sa promotion eh. hehe. XD

    Pero nag-improve naman yung speed ko sa pagsha-shadow boxing and doing combos so muscle memory na lang din talaga.

    And hingi ka tips sa trainer mo at nood ka ng mga muay thai videos (ex. muay thai guy etc.) then pulot ka ng tips, mahirap din minsan paiba-iba ang turo, so I think nasa sayo na yun kung ano sa tingin mo ang effective sayo, ikaw rin naman ang higit nakaka-alam sa takbo ng katawan mo.

    And tuloy tuloy lang training, and enjoy lang. Nakakaadik lang din talaga eh. hehe..
Sign In or Register to comment.

Today's Bible Passage