I just need suggestions

If mag-eenroll po ako sa isang martial arts ano po ang mas maganda interms of self-defense and mas matibay at mas matigas na katawan? na mas nakaka-improve or may connection din sa bodybuilding thanks po

Comments

  • BANEBANE Posts: 1,927C-Class
    alerace15 wrote:
    If mag-eenroll po ako sa isang martial arts ano po ang mas maganda interms of self-defense and mas matibay at mas matigas na katawan? na mas nakaka-improve or may connection din sa bodybuilding thanks po

    mag kaibang bagay yan paps. 
    mma/boxing/martial arts = they train to kick somebodys ass and/or to find inner peace
    Bodybuidling = to look good (sa kanilang preference, bodybuilding, aesthetics and etc) (and healthy lol)
  • alerace15 wrote:
    If mag-eenroll po ako sa isang martial arts ano po ang mas maganda interms of self-defense and mas matibay at mas matigas na katawan? na mas nakaka-improve or may connection din sa bodybuilding thanks po

    In my opinion po, kung self defense po, Krag Maga talaga ang sa tingin ko na martial arts na pang self defense. Pero sabi nga daw ng master ng trainer ko ngayon, kung sakaling mapaharap ka sa sitwasyon na kakailanganin mong mag self defense, hanggat maari wag ka lumaban, bagkus takbuhan mo sila, kasi kung maganda talaga training mo, mas matagal ang cardio mo kumpara sa kanila, then kung mapagod sila at may chance ka saka mo banatan. Pero mas better kung iwasan na lang.

    Kung pangpatigas ng katawan depende po siguro sa training mo. for example, muay thai, for sure titigas ang shins mo sa kakasipa. Kasi ang goal talaga is magkakalyo yung shin para di masakit sayo, pero masakit sa kalaban mo pag sumipa ka. at syempre, mahalaga po ang core talaga sa mga martial arts, kaya madalas kasama sa training yun.

    Although, kung titingnan di naman talaga ka buff yung mga martial artist po, unlike body builders. Di talaga sila ganong nagpapalaki kasi nga medyo babagal sila kapag nagpalaki sila ng muscles. Sabi nga po nila more on functional fitness sila. (See Bruce Lee)

    Pero syempre poging tignan kapag may aesthetics at power, like yung mga master natin dito. Kaya much better kung halo po gagawin if pwe pwede. Like what I am trying to do, since parang pareho po tayo ng goal ata. hehe.. Hinahaluan ko po ng buhat after training ko po ng muay thai. although di talaga mabibigat yung mga nabubuhat ko sa pinagtra-trainan ko. One of these days siguro ko po mapagsasabay sila. :)
Sign In or Register to comment.

Today's Bible Passage