Hingi po ng advise para sa isang shifting employee.

Mga master!

Hingi sana ako advise sa inyo.

Mejo kakalipat ko lang kasi ng trabaho, nung first 2 months since baguhan flexitime pa kami, so mejo nakakasundot sundot pa ako ng pagbubuhat. pero since natrained na kami sa work, sinabak na kami sa shifting sched di na ako makabuhat since medyo nangangapa pa sa bagong workflow. =(

Ganto yung takbo ng shifting namin:

1st week: morning shift (6AM - 3PM Monday to Sunday)
2nd week: midshift (3PM - 12AM Monday to Sunday)
3rd week: Night shift (12AM - 6AM Tuesday to Monday morning)
4th week: 7 Days off
5th week: Flexitime (Monday to Sunday)
6th week: Flexitime (Monday to Sunday)

then repeat

So ayun po, eh ang plano ko sana balik ako buhat 3x a week gaya nung nasa previous company ko pa ako na normal ang working hours.

ang plano ko po sana is:

if morning shift: workout sa hapon or gabi depende sa uwi (T, Th, Sat or Sun)
if mid shift: workout sa umaga before lunch (T, Th,Sat or Sun)
if night shift: workout sa hapon or gabi (T, Th, Sat or Sun)
if Off and flexitime: T, Th, Sat or Sun (depende kung anong oras sipagin. hehe)

ayun! haba na ng paliwanag ko, pero ang tanong ko lang po sana is di kaya ako madeads agad since nasa shifting sched ako then magbubuhat?

Need ko sana advice nyo po. baka kc may masamang epekto yung ganong combination gusto ko pang tumagal sa mundo eh, para maging kasing lakas ko kayo. hehe...

Maraming salamat po.

Comments

  • Emman1986Emman1986 Posts: 1,819B-Class
    ito lang isipin mo, pag gusto, marami paraan, pag ayaw, madami siguro excuses :)

    pede ka mag training bago mag work
    pede ka mag training after ng work
    pede ka mag training 3x a week
    pede ka mag traning kahit kalian basta bukas ang gym at may lakas ka mag training.

    btw, ako nag training ako bago pumasok or after work. kahit 30minutes na lang at sarado na gym, pupunta pa rin ako. ibang usapan lang pag sarado ang gym, ayun, malungkot ako nun hihihi

    so sa dami rin ng sinabi ko, ganito lang yan, wag mong isiping kaylangan ka ng training, ang isipin mo kayalangan mo mag training :)
  • poruchikoporuchiko Posts: 119
    Sir Emman, salamat sa reply. actually ang inaalala ko lng kc is yung sched ko, since shifting siya at weekly ang pagbabago ng shift, di ako doctor pero sa tingin ko under stress na yung katawan sa pabago bago ng oras ng pasok at oras ng pagtulog. So baka mapasama lang kapag sinabayan ko ng buhat.

    Pero siguro try ko na na lang din kung masama nga sa katawan. hehe.. update ko kayo dito, if di na ako nakareply sa mga darating na buwan, malamang deads na ko at patunay na masama ang pagbubuhat sa isang empleyadong may ganong klaseng shift sa trabaho. hehe.

    Maraming salamat po uli.
  • Emman1986Emman1986 Posts: 1,819B-Class
    try mo bro, tama ka dun lang naten malalaman,, parang ako sinubukan ko yang mga pinayo ko sayo at awa naman ng diyos, buhay na buha pa ako at nag kaka gains kahit papaano. nakakain pa rin ng maayos at nakaktulog pa rin naman.

    yaan mo bro, pag di ka na naka reply after ng ilang buwan, pag dadasal kita. pero sa ngayon, subukan mo muna para malaman mo epekto sayo or wag mo subukan para di ka mag alala masyado.
  • nrg500nrg500 Posts: 1,235B-Class
    1st week: morning shift (6AM - 3PM Monday to Sunday)
    2nd week: midshift (3PM - 12AM Monday to Sunday)
    3rd week: Night shift (12AM - 6AM Tuesday to Monday morning)
    4th week: 7 Days off
    5th week: Flexitime (Monday to Sunday)
    6th week: Flexitime (Monday to Sunday)

    Ang madugo lang naman dyan ay yung "Night Shift" week

    Why not make it your "off" week, no training ?

    Then you will train for the remaining 5 weeks
  • poruchikoporuchiko Posts: 119
    nrg500 wrote:

    Ang madugo lang naman dyan ay yung "Night Shift" week

    Why not make it your "off" week, no training ?

    Then you will train for the remaining 5 weeks

    Good idea boss Nrg500, pero personally ang madugo sakin ay yung morning shift. hirap ako gumising ng maaga. :blush: at sayang kc sa monthly sa gym kung sakali rest ng 1 week.hehe. pero plot ko po siguro ng maayos. Maraming salamat po uli. :sport:
  • kenzykenzy Posts: 663B-Class
    ako every week palitan ko ng sched, kaso morning and mid lang ako, wala lang nighshift. Eto buhay pa naman, still kicking.

    Kapag morning ako, after work ako buhat. kapag mid shift naman, before shift. Time management lang yan pafs. Saka kung anjan ung eagerness at dedication mo magbuhat, kahit ano oras, kahit saan basta may time at lakas ka, makakabuhat ka.
  • JettieJettie Posts: 3,763B-Class
    sa una lang mahirap yan tol, pag nasanay ka na, matik na katawan mo kikilos at parang di ka na mapakali pag di ka makabuhat!

    hehe
  • poruchikoporuchiko Posts: 119
    Salamat Boss Kenzy at Boss Jettie,

    Oo nga namimiss ko na yung dating ako, yung pakiramdam mahina kapag naka-skip ng isang araw magbuhat. hehe..

    :sport: :sport: :sport:
  • LikeABossLikeABoss Posts: 7
    sir alam mo magandang gawin mo dyan mag invest ka ng gamit like barbell bench press or dumbells, tutal may work ka naman, ung mga gamit na bibilin mo pang maintenance mo lng pag wala ka tlagang time pumunta sa gym, pag nakahanap ka ng free time or rest day mo tska ka mag punta sa gym, like me CSR hirap humanap ng time pumunta sa gym dhil ung ipupunta ko sa gym ay itutulog ko nlng, alagaan mo sarili mo wag mo abusuhin.. sana nakatulong ako
  • poruchikoporuchiko Posts: 119
    LikeABoss wrote:
    sir alam mo magandang gawin mo dyan mag invest ka ng gamit like barbell bench press or dumbells, tutal may work ka naman, ung mga gamit na bibilin mo pang maintenance mo lng pag wala ka tlagang time pumunta sa gym, pag nakahanap ka ng free time or rest day mo tska ka mag punta sa gym, like me  CSR hirap humanap ng time pumunta sa gym dhil ung ipupunta ko sa gym ay itutulog ko nlng, alagaan mo sarili mo wag mo abusuhin.. sana nakatulong ako

    Oo nga boss, hirap tumiyempo lang talaga pag shifting. pabago bago oras ng tulog. hehe.. meron nga ako dumb bells pero iba ang gana kapag nasa gym. hehe.. ewan ko kung bakit ganun.

    Pero maraming salamat sa advise at paalala @LikeABoss. :biggrin:
  • LikeABossLikeABoss Posts: 7
    no problem sir .. any time =)
  • poruchikoporuchiko Posts: 119
    Ayun, update lang naman po. Nakapagsimula na ako uli mag workout po. Circuit training ang program ko po ngayon. naka 3 sessions na ako uli. pero parang 2 1/4 lang. haha.. Yung first session kasi warm up pa lang and 5 minutes cardio, nahilo na agad sobra. hehe.
    2nd session, nahilo rin pero natapos naman yung circuit with maraming pauses. LOL. Yung third, medyo ok ok na. di naman nahilo, pero may mga pauses parin. Feeling ko may effect talaga kapag shifting ang sched. hehe.
  • Sir di kana nka update.ano na kaya nangyari sayo. wag naman sana. :(
  • keb2x21 wrote:
    Sir di kana nka update.ano na kaya nangyari sayo. wag naman sana. :(
    Haha. Boss, oks naman ako. di naman pala nakakadeads. hehe.. although di lang ako regular. lalo na kapag nightshift. Di ko lang din nauupdate yung journal ko. hehe.. Pero salamat sa concern. :D
Sign In or Register to comment.

Today's Bible Passage