Help me please! (Newbie)

age: 23 yrs old
weight: 150 lbs.
height: 5'6"

This is me :
IMG_0764.jpg
IMG_0762.jpg
071320112661.jpg

Then.. i want to be like this.. lean body or model body type
Untitled-1-2.jpg
1. What is the training program should I undergo?
2. What are the supplements should i take?
3. What kind of diet should i do?

Any respond will greatly appreciated.

Thanks

Comments

  • zanezane Posts: 963
    Welcome to PBB brader!

    Regarding sa program mo, kung nagsisimula ka nang magbuhat, focus ka sa compound exercises like bench presses, squats, deadlifts and cardio IMHO. based kasi sa pictures mo, mukang kelangan mong magtrim ng fats, so sa diet mo, bawas lang sa maintenance caloric intake mo. Supplements? wag muna ser, focus ka sa real whole food. disiplina sa mga kinakain importante. I suggest na ibrowse mo yung thread na "Madalas nyong kinakain" para magkaidea ka sa mga options mo pagdating sa pagkain. Hintayin rin natin si brader nikks na sumagot dito sa thread mo, mas matutulungan ka nya kasi napagdaanan nya yung current status mo. But for sure, marami pang tutulong sayo dito hehe :D
  • up ko lang po..

    maraming salamat po..
  • monching11monching11 Posts: 7,273B-Class
    @red

    kelan ka nag start mag gym?

    if yes, how do you train?

    ano mga kinakain mo? how much, what time, etc
  • monching11 wrote:
    @red

    kelan ka nag start mag gym?

    if yes, how do you train?

    ano mga kinakain mo? how much, what time, etc

    salamat po sa mga nagreply..


    sir, actually nag ttraining na po ako dati pa.. ang problema po.. nahihinto po ako.. sabihin na po nating gaganahan ako 3-6times tapos mapapahinga nanaman po ng matagal.. ang program ko po dati nun..
    mon: chest, biceps & abs
    tues: shoulder, triceps & abs
    wed: rest day
    thurs: chest, biceps & abs
    fri: shoulder, triceps & abs
    sat & sun : rest day

    wala po akong diet diet nun.. after ko po mag gym direcho kagad po ako sa mang inasal.. unli rice siguro mga 5 po.. kasi ang alam ko po sa pag ggym kaylangan muna maging bulk o mass daw muna tapos pag sobrang na-achieve ko na yung mass na kaylangan ko tsaka daw po magpapa-cuts (todo diet & training pero light lang ang binubuhat pero madaming reps daw) tama po ba ako? Jeezz.. now po habang nandito pa po ako sa pinas gusto ko po sana mag simula na ulit na tipong lahat ibibigay ko at kahit mahal po yung mga kaylangan bilin.. issacrifice ko po! sana may pag asa pa po ako..
  • angelshieangelshie Posts: 2
    ok eto ha, abang ako sa mga suggestion......

    "Sawa na ako maging chubby"

    ma picture-an nga rin ang body ko ng mahusgahan.....abangan!
  • SkkinSkkin Posts: 870
    pareho pala tayo ng height and weight hehe sa age din halos pareho

    halos gusto mong body is kay rrobin sana andito siya para ma enlighten ka niya sa cross training etc na sa tingin mo mas bagay sa target mo.

    1. Training Wag tamarin.kasi kung gaganahan ka lang sa una better sir na set yourself straight muna kasi masasayang lang kung sa una lang ang gagawin mo. Hardwork and dedication para ma achieve mo gusto mo.

    based sa training mo gawin nalang nating 3x to 4x a week tapos wag puro chest and biceps shoulders lang mas okay kung balance

    sample is

    M - Chest Biceps
    W - Back
    F -Shoulders Triceps
    S - Legs

    * train body part 1x / week
    * Dont overtrain 45minutes to 1 hour max
    * Focus on form

    tama din si brader zane
    Regarding sa program mo, kung nagsisimula ka nang magbuhat, focus ka sa compound exercises like bench presses, squats, deadlifts and cardio IMHO. based kasi sa pictures mo, mukang kelangan mong magtrim ng fats, so sa diet mo, bawas lang sa maintenance caloric intake mo.

    2. tama ulit si bro zane dito about supplement
    Supplements? wag muna ser, focus ka sa real whole food. disiplina sa mga kinakain importante. I suggest na ibrowse mo yung thread na "Madalas nyong kinakain" para magkaidea ka sa mga options mo pagdating sa pagkain.

    3. Diet kahit ano basta in moderation but i would suggest na i limit mo intake ng sugar, salt and white rice at bread. no to unli rice sa inasal kahit anong cardio at sit ups po wala din bro.
  • monching11monching11 Posts: 7,273B-Class
    reddomingo wrote:
    monching11 wrote:
    @red

    kelan ka nag start mag gym?

    if yes, how do you train?

    ano mga kinakain mo? how much, what time, etc

    salamat po sa mga nagreply..


    sir, actually nag ttraining na po ako dati pa.. ang problema po.. nahihinto po ako.. sabihin na po nating gaganahan ako 3-6times tapos mapapahinga nanaman po ng matagal.. ang program ko po dati nun..
    mon: chest, biceps & abs
    tues: shoulder, triceps & abs
    wed: rest day
    thurs: chest, biceps & abs
    fri: shoulder, triceps & abs
    sat & sun : rest day

    wala po akong diet diet nun.. after ko po mag gym direcho kagad po ako sa mang inasal.. unli rice siguro mga 5 po.. kasi ang alam ko po sa pag ggym kaylangan muna maging bulk o mass daw muna tapos pag sobrang na-achieve ko na yung mass na kaylangan ko tsaka daw po magpapa-cuts (todo diet & training pero light lang ang binubuhat pero madaming reps daw) tama po ba ako? Jeezz.. now po habang nandito pa po ako sa pinas gusto ko po sana mag simula na ulit na tipong lahat ibibigay ko at kahit mahal po yung mga kaylangan bilin.. issacrifice ko po! sana may pag asa pa po ako..


    Heavy ang need buhatin para mag-grow ng muscle. sa routine mo dati light weights ka lang tapos pagkatapos 5 rice sa mang inasal no surprise un if mas mag-gain ka ng fat kesa sa muscle.

    First ayusin mo muna ang food mo, focus on:

    Protein = 1g per pound of bodyweight c
    chicken breast
    fish
    lean red meat
    eggs

    Sa carbs naman, opt for brown rice if you can't remove rice from your diet, pwede din ang kamote

    Sa training ok na ung bingay ni bro skkin train a body part once a week.

    Sa pics pa lang very out of shape ka bro, so it's better to start all over again. Pag solid na ung basics mo like food intake and training pwede ka na mag supplement
  • Salamat po sa lahat ng nagreply! :D appreciated ko po talaga! :D noted po lahat ng sinabi nyo :D

    may tanong lang po ako.. tungkol po ito sa gagawin ko pong program..

    M - Chest Biceps
    ( bench 12 x 3sets , incline 12 x 3sets, decline 12 x 3sets sa bar ko lang po ba gagawin to? oh kasama padin po yung sa dumbells? )
    W - Back
    F -Shoulders Triceps
    S - Legs

    pwede po ba kayo mag recommend po ng specific practices of exercise per body? hindi ko po kasi alam yung mga tawag.. then issearch ko nalang po dito sa net yung video kung pano ginagawa po ito.. salamat po ng marami..
  • monching11monching11 Posts: 7,273B-Class
    ^

    wait bro, if you can find a training partner or a spotter at least pwede kang mag dorian yates blood and guts program just search it dito sa forum pwede pa siya idwonload.

    Yan ang program namin ni bro skkin and zane ngaun :)
  • the3rdkingthe3rdking Posts: 40
    ...dagdag mu narin cguro mag cardio before and after workout for atleast 30mins if possible...Tmill or Stnry bike. makakatulong yan...wearing sauna suits will help also.
  • AldrinAldrin Posts: 799C-Class
    ^kahit wag na sauna suit nakakatamad labahan yan nung nakita ko yung mga may suot :D
  • toysuki07toysuki07 Posts: 1,049B-Class
    I do cardio during my off days, high intensity cardiovascular workout for at least 15mins. M W F - weights T TH S - cardio tapos sunday pahinga ako.

    5-6x smaller meals / day, 2hours interval ang kain ko and I divide it through out the day. Kesa lamon sa isang upuan, small meals nalang every 2 hours para laging nasa 'Fed state ang katawan mo at laging nasa highest peak yung metabolism mo para sa mas mabilis na fat burn

Sign In or Register to comment.


Today's Bible Verse

Provided by Christ Notes Bible Search