Wingburg Journal

Musta mga brad?

almost 2 months skipped sa gym kaya naudlot progress dahil sa seizure/epilepz, 2x nag collapse followed by seizures so I am expecting na epilepsy sakit ko, next week ako magpacheckup.
«13

Comments

  • kenzykenzy Posts: 663B-Class
    Welcome sir sa pbb. Don sa lifting stats mo, kilograms ba yon or pounds(lbs)? kung kgs yan, congrats sir kasi ambigat na nyan considering na 4 months ka pa lang nagbubuhat.
    BP = 60 kl
    DL = 65 kl
    MP = 50 kl

    Sir sensya na pero what do you mean by Gourmet Burger? kasi napansin ko un lagi meal mo. Ikaw ba gumawa nyan or mga ready to order?

    Kaen ka sir ng mga chicken breast, pork lomo, beef, eggs, tuna and wag ka matakot kaen rice, hehe
  • kenzy wrote:

    May Store ako Sir na Burgeran and Chicken Wings, Hehe! Yung content nun Wheat Bread, Lean Beef Ground, and lots of Veggy (Tomato, Onions, Cucumber, Lettuce) Without applying Dressings and Seasonings like what we usually offer sa customers kaya tinawag ko Gourmet Hahaha!

    Parang feeling ko ang bilis lumaki ng tyan ko kapag nagririce ako, kaya takot talaga ako since napaka laki ng tyan ko before pumasok sa Gym

    BTW hindi ko makita link or ways para mag post ng Latest Photo, paano kaya? naupload ko na kasi from CP. Hehe!
  • kenzykenzy Posts: 663B-Class
    wingburgph wrote:

    Ahh un pala un, hehe.
    wingburgph wrote:
    Parang feeling ko ang bilis lumaki ng tyan ko kapag nagririce ako, kaya takot talaga ako since napaka laki ng tyan ko before pumasok sa Gym
    Kaso sir namomonitor mo ba ung macro mo? Dati kasi nong wala pako alam sa mga diet and nutrition, kala ko kapag d ako nagrice papayat ako. puro mga burger, spaghetti and kung ano ano kinakaen ko, at the end, malaki pa din tyan ko. hanggang sa natuto ako ng nutrition and diet dito saka pagmomonitor ng macro. Ayon mas mabilis nabawasan fats and mas mabilis din paggain ng muscles. I'm not an expert naman, based lang sa experience ko yan, hehe. Wait natin suggestions ng mga master natin dito
    wingburgph wrote:
    BTW hindi ko makita link or ways para mag post ng Latest Photo, paano kaya? naupload ko na kasi from CP. Hehe!

    Reply ka lang sir sa thread > Click Here to attach a photo > browse then click mo ung green to upload.
  • Complicated naman yan bro hehehe! Pag may nababasa ako Macro and other technical terms sa Workout hindi ko na maisabay hehehe!

    BTW eto yung timeline ko. Wala nga lang Hubad na Pic nung hindi pa ako nag gy-gym since hindi talaga ako sure kung seseryosohin ko ang pag gym hehe. Anyway we can use our imagination na lang tutal kitang kita talaga bulge ng tyan ko dyan hehe2zsoeih.jpg
  • kenzykenzy Posts: 663B-Class
    nice progress sir ah, may korte na ung chest. para nmn hindi malaki tyan mo ah
  • yopyopmyopyopm Posts: 366
    Welcome sir! Napacomment ako dun sa wings at burgers! Hahaha nagcrave ako sa pics sa fb page nung shop mo sir :)

    Nice progress!
  • kenzykenzy Posts: 663B-Class
    chineck ko din nga eh, sarap nong mga burger and chicken nya, hehe
  • Sir Malaki tyan ko dyan kitang kita yung naka white ako na polo dun sa black shirt di halata kasi naka yuko hehe

    Salamat sir Kenzy and Yop, pakilike na rin yung page kung pwede hahaha! may discount kapag nag dine in kayo hehe!
  • CoreCore Posts: 2,508B-Class
    wingburgph wrote:
    "... BTW hindi ko makita link or ways para mag post ng Latest Photo, paano kaya? naupload ko na kasi from CP. ..."

    Your journal first post » Edit » Full Edit
  • Thank you Sir Core!
  • CoreCore Posts: 2,508B-Class
    Welcome to PBB, BTW.
  • Emman1986Emman1986 Posts: 1,819B-Class
    welcome to pbb brader!

    since mukha naming may budget ka, every week mo bumili ka nang madaming itlog, karne ( baka, manok, isda etc ) prutas, gulay tapos yan ung lutuin mo o paluto mo at yan palagi tirahin mo kesa masrap na gourmet burger ( ang sarapo kasi nung pag kaka describe mo nababasa ko pa lang ) gawen mo na lang syang snacks :) pero sa bfast, lunch dinner dun mo tirahin yang mga ilang nabangit ko :)

    btw, Team Jeff Seid tayo! hehehe forever goal naten hahaha
  • Eliminated my previos program. I tried today the 5x5 program and started to take a supplement pro matrix.

    Day 1: Squat @ 50 kg
    Bench Press @ 50kg
    Barbell Row @ 50kg

    Hoping to see much improvement than Michael Matthew's program. Hehe.
  • rtravino29rtravino29 Posts: 1,549
    Eliminated my previos program. I tried today the 5x5 program

    May mga accessory exercise ka bro?
  • @Emman, parang bulk na yung body mo ah, kelan ba masasabi need na mag cut? to look like seid's physique?

    @rtavino, gloves lang hehehe! sa gym ko ginagawa yung 5x5 kaso feeling ko naiinip mga kasunod ko haha!
  • badass_vinchbadass_vinch Posts: 4,459A-Class
    wingburgph wrote:
    @Emman, parang bulk na yung body mo ah, kelan ba masasabi need na mag cut? to look like seid's physique?

    @rtavino, gloves lang hehehe! sa gym ko ginagawa yung 5x5 kaso feeling ko naiinip mga kasunod ko haha!

    IMO pag bato bato na yung katawan mo tapos makapal na yung muscle sa lahat ng major body parts :sport:

    live&dieNATURAL

  • @badass_vinch Thanks! medyo confused lang, may nakikita kasi ako na bato bato ang katawan pero maliit ang frame, meron din naman na malaki frame pero walang definition yung muscles.
  • badass_vinchbadass_vinch Posts: 4,459A-Class
    wingburgph wrote:
    @badass_vinch Thanks! medyo confused lang, may nakikita kasi ako na bato bato ang katawan pero maliit ang frame, meron din naman na malaki frame pero walang definition yung muscles.

    Most likely mga di pa katagalan nagbubuhat yung mga yun. Siguro 1-2 years. Yung mga bato bato na maliit frame, mga ectomorph yun na nagka-mass ng konti. defined na talaga katawan nila at low bodyfat. Ok tignan, aesthetic mostly pero parang may kulang diba. Yung mga malaking frame naman na wala masyado cuts or yung bulky na look kadalasan mga meso/endomorph yun. Yung para bang maaapreciate mo yung physique nila pag bumaba na bodyfat. It's all about genetics. Kung ano yung suited sa structure at genetics mo yun ang pagaralan mo idevelop.

    live&dieNATURAL

  • yopyopmyopyopm Posts: 366
    Sir @badass_vinch may tanong ako re dyan sa body type. Meron ba na time na akala mo ecto ka pero ang dahilan pala kung bakit di ka naggegain dahil kulang lang talaga sa pagkain ng tama?
    wingburgph wrote:
    may
    discount kapag nag dine in kayo hehe!

    Noted sir! Gusto ko yan Hahaha
  • badass_vinchbadass_vinch Posts: 4,459A-Class
    yopyopm wrote:
    Sir @badass_vinch may tanong ako re dyan sa body type. Meron ba na time na akala mo ecto ka pero ang dahilan pala kung bakit di ka naggegain dahil kulang lang talaga sa pagkain ng tama?
    wingburgph wrote:
    may
    discount kapag nag dine in kayo hehe!

    Noted sir! Gusto ko yan Hahaha

    Yan lagi iniisip ng mga payat. Hindi porke payat ecto na. karamihan satin laki sa hirap at malnourished mula pagkabata. Laki kasi sa hotdog at pancit canton. Kaya madami payat tapos pag nagbulk puro fat gains naging skinny fat kasi di naman talaga sila ecto pero sinusundan nila yung mga methods na pang ectomorph.

    live&dieNATURAL

Sign In or Register to comment.

Today's Bible Passage