Need help with ON product legitimacy

jazonejazone Posts: 441B-Class
Guys need ko po ng help. After maubos ng dymatize iso 100 ko na binili ko sa tia lolengs, bumalik po ako dun kanina para itry naman ang ON gold standard 100 whey EXTEREME MILK CHOCOLATE. May black seal siya sa takip na may gold part na nakalagay na ON authentic. Tapos mukhang ok naman hindi tampered. So pagdating ko sa office, binuksan ko na para inumin. Pagbukas ko walang paper lid. Tiningnan ko dumikit dun sa ilalim ng cap so hindi ko masyado inisip. Then tiningnan ko yung powder. Mejo nabigla ako kasi parang weird ang texture niya. Yung itsura niya parang brown talcum powder. Of course hindi naman agad ako naalarm kasi first time ko lang bumili ng ON. So nagtry na agad ako. 40g scoop sa 300ml water. Ang weird lang kasi kahit malaki yung scoop ko pero parang kulang sa lasa. Ang feel ko parang milo na nasobrahan sa tubig. Then natulog muna ako. Pag gising ko uminom ulit ako. Ganun pa din yung feeling. Parang kulang sa lasa. Tapos ayon so nagresearch ako sa internet. Dun ko lang nalaman ang tungkol sa FPIS. Meron pala silang seal na nilalagay sa mga ON products na nadidistribute dito sa pinas. Nung natingin tingin ako kanina sa CnC nakikita ko yung seal na yun sa mga 5 LB. Pero pagbili ko dun sa tia lolengs hindi ko napansin kung meron bang seal na ganun sa 2lb ko. Dito ko nabasa yung regarding sa seal: http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=560632
Next, may nabasa din ako regarding sa container dito sa link na to: http://musclegenius.blogspot.com/2014/08/identify-fake-genuine-optimum-nutrition-gold-standard-100-whey-protein.html
Yung ibaba ng container dapat may nakalagay na Polycon with a triangle symbol with P inside. Pagtingin ko dun sa akin wala.

Alam ko po na matagal na nabili sa CnC ang mga members ng forum na ito. Kaya po syempre ayaw ko naman agad mag jump into conclusions. So gusto ko lang sana magpatulong sa inyo kung anu masasabi niyo dito sa nabili kong product. Ito po ang pictures para makita niyo.
200fpsz.jpg657p6v.jpg

Last po na nakakapagtaka. Pinascan ko po yung QR code nung tub sa kaofficemate ko. Sabi sa guides dapat daw sa product details ng Optimum nutrition gold standard 100 yung mapupuntahan na link. Kaso po, youtube page ng optimum nutrition ang binagsakan. Ito po yung link:

Sana po maya makatulong sakin para maclarify yung situation ko.

Comments

  • 19PreDaTor6819PreDaTor68 Posts: 777C-Class
    80 views still no reply..paulit ulit na kc yang issue na yan bro. .thats not fake para ma kampante kana :-)
  • rtravino29rtravino29 Posts: 1,549
    Matagal tagal na rin akong nabili sa TIA LOLENGS, same as with core nutrition ( online seller ) yung binebenta nila ON eh walang PAPER LID, normally dumikit sa takip.
    Ayun, sa awa ni LORD, hanggang ngayon buhay pa naman ako, :)

    does that mean that it's fake ? > I don't know, di ako chemist para malaman ko kung fake ba sya or hindi eh, pwede mo ring tanungin mga tao sa TIA LOLENGS kung duda, tanong mo bat walang paper lid yung supp.

    If duda ka, same as with lagi namin sinasabi. " Kung nag aalangan ka, wag ka na lang bumili".
    Kung sobrang OC ka na legit yung supp mo, try mo bumili sa GNC / Tobys etc. yun nga lang halos 2x presyo.
  • BANEBANE Posts: 1,927C-Class
    GNC! O.A. sa patong ung Oxyelite harcore nila 4,600!!! nakakainis!
  • VestaxVestax Posts: 67
    Zzzz. Hirap talaga pag newbie,praning masyado. Tignan mo stocks sa bodybuilding.com,walang genuine stickers,siguro fake din benta dun. Lolz
  • badass_vinchbadass_vinch Posts: 4,459A-Class
    atleast pag scan mo may lumabas at ON din. kung pagscan mo wala lumabas or sa ibang site ka napunta baka fake yan.

    live&dieNATURAL

  • rtravino29rtravino29 Posts: 1,549
    oh yeah, about sa scan, na alala ko, ung unang ON GS ko na binili ko rin sa Core Nutrition ganyan din nangyari sakin, pag scan ko redirected ako sa Youtube.
    GNC! O.A. sa patong ung Oxyelite harcore nila 4,600!!! nakakainis!
    I KNOW RIGHT!
    WHEY PROTEIN nila may ginto sa loob, haha!
  • jazonejazone Posts: 441B-Class
    Salamat sa mga reply. Same day nakausap ko ulit yung taga tia lolengs na nagbenta sakin. Ok lang daw yun kasi hindi lang daw FPIS yung supplier nila. Kakaubos ko lang kanina at tulad ng sabi ni @rtravino29 ok pa naman ako. So i guess napraning lang ako. Natakot lang kasi ako dahil 1500 din yun tapos bumili ako agad ng hindi ko pinagaralan kung anu yung itsura ng totoo sa fake.
    @badass_vinch actually sir nagreply sakin yung representative ng FPIS ok lang daw yun. Kahit daw yung iba nilang QR code dun din daw nabagsak sa youtube ng ON.
  • cjdcjd Posts: 19
    Bumili din ako ng On Gold Standard whey jan sa Tia Loleng bago ko siya kunin talagang chineck ko mga tags tapos tinitingnan ko rin kung may mali sa spelling ng mga words dun chineck ko ung seal  d ako nag dalawang isip para bilhin ung product. Then eto pa mas naging kampante ako kasi binigay sakin dun is galing pa sa box na may naka tag na ON. I think sa isang box may 4 na laman tapos ung box niya On talaga.  :yahoo: :yahoo:
Sign In or Register to comment.

Today's Bible Passage