Gusto ko Lumaki

Mga boss,
Patulong naman kasi 2 months na din ako nagbubuhat dito sa bahay namin pero pakiramdam ko saka tingin ko sa sarili ko eh wala naman nagbabago sa akin. Payat pa din ako, yun braso ko ang nipis kapag tinitignan ko sa salamin kaya nabwibwisit na ako at nawawalan ng gana. Tiyan ko lang lumalaki sa akin, kabwisit talaga.
Barbell at dumbbell pala gamit ko ditto sa bahay, Eto mga ginagawa ko.

Sunday – bench press( 8 reps, 6 sets)
Incline dumbbell (8reps, 5 sets)
decline barbell bench ( 8reps, 5 sets)
pushup (20 reps, 3 sets)
Tricep - triceps extension (barbell) 12 reps, 5 sets

Monday – rest pero sa gabi nag shoulder press ako bago maligo (8 reps, 5 sets) saka Bicep curl 12reps, 3 set

Tuesday – squat, deadlift ( 8 reps, 5 sets)
Barbell standing calf raises (16 reps, 5 sets)

Wednesday – rest pero sa gabi nag bench press ako bago maligo (12
reps, 5 sets)

Thursday – BACK – Pull ups (8 reps, 5 set) pero kada baba ko sa pull ups eh nakapatong paa ko sa sahig baba kasi nun bakal na sinasabitan ko
Barbell row ( 12 reps, 5 sets)
Upright row (8reps, 5 sets)
One arm row ( 12 reps, 5 sets)
Bicep curl 12reps, 3 sets

Friday - shoulder – Shoulder press ( 8 reps, 5 sets )
Fonrt raise 10 reps, 4 sets
Side lateral 10 reps, 4 sets
Bent over 10 reps, 4 sets
Bicep curl 12reps, 4 set

Saturday – rest

Tulog ko pala eh max na yun 6 hours straight o kaya 5 hours, kelangan kasi gumising saka magpuyat dahil nag aaral ako.
Sa pagkain kung ano nakahain sa lamesa eh yun ang kinakain ko pero di ako nakain ng baboy, saka araw araw ako nakain ng itlog mga 3 sa isang araw. Kain ko eh 5 times a day, pero kung ano ano lang kinakain ko kasi gusto ko talaga lumaki pa.

Tas bumili na din ako nun whey pangatlo container ko n ngayon yun iniinom ko, iniinom ko sya 3x a day. Wala pa din

Gusto ko lumaki at magkaroon ng muscle na nakikita pero ganun pa din itsura ko kagaya nun umpisa bago ako magbuhat ng ganyan. Napapansin ko lang eh tyan ko lang ang lumalaki, kakapang hina tuloy ng loob.

Salamat mga boss sa mga magccomment ng dapat ko gawin.
«1

Comments

  • monching11monching11 Posts: 7,273B-Class
    ^

    bro, eto ung mga observation ko based sa post mo:

    1. Overtraining - Rest day mo pero sinusundutan mo 5 sets pa
    2. Sleep - napakahalaga nito, i mean given na na nag-aaral ka pero what is your sched that it permits you to only 5-6 hours of sleep?

    post ka rin ng pic mo nung nag start ka and post ka rin ng pic mo today para mas ma compare natin
  • chowzuchowzu Posts: 29
    Boss Monch,
    Mali pala yun susundan ko pa ng 5 set sa araw ng pahinga ko, nabasa ko din na sa pahinga lumalaki yun mga muscle, nababagot kasi ako kapag d ako nakahawak nun bakal kaya sinusundan ko pa.

    Yun sa tulog ko 5-6 hours lang talaga tulog ko baka nga next week eh 3 hours na lang kasi sa 16 na yun board exam ko, pagtapos nun pwede na ako matulog ng madami.

    Sige post ako ng pics dito..
  • monching11monching11 Posts: 7,273B-Class
    ^

    uu nao-overtrain din ung muscles mo, pag rest day mo make it SURE na rest day mo talaga.

    ngayon naka DY program ako 3 days ang rest sa 1 week mas dama kong lumalaki ako.

    anong exam kunin mo? elec'l engr?

  • chowzuchowzu Posts: 29
    Yun exam ko pala ngayon eh Chief Mate, pangalawa kuha ko na eto sa PRC, 3x kasi kami nakuha ng exam. Yun una ko nun 2008 OIC kinuha ko, ngayon chief mate, baka sa 2014 eh Capt. na kukuhain ko exam kapag makapasa ako ngayon. :)

    Sige boss monching subukan ko na kapag araw ng pahinga eh pahinga talaga..
  • monching11monching11 Posts: 7,273B-Class
    ^

    wow, bigtime ka pala bro hahhaha pag naging kapitan ka na blowout ka ng supps hahahaha jk.

    Goodluck bro, and rest ka sa restday mo :)
  • chowzuchowzu Posts: 29
    Boss monching smalltime pa din ako.. hehe.. Sana makapasa muna sa 16 para makakuha n ng capt at makapagblowout syo ng supps.. :) baka bukas n ko post ng pics.. hehe..
  • boybanatboybanat Posts: 92D-Class
    ^chow.

    paraan lang po.

    nutrition and recovery play an important role in bbuilding.

    ^monch,

    nice advise, as always.
  • chowzuchowzu Posts: 29
    monch,
    kita ko iba mga pics dito anlalaki na.. nahiya tuloy ako magpost ng pics ko bka matawa makakita.. hahaha..

    boybanat,
    boss totoo nga yun sinabi mo, sa nutrition talaga ako nahihirapan puro kanin lang kc laman ng tyan ko pero pilitin ko kumain ng tama. hehe.. ty

  • SkkinSkkin Posts: 870
    chowzu wrote:
    monch,
    kita ko iba mga pics dito anlalaki na.. nahiya tuloy ako magpost ng pics ko bka matawa makakita.. hahaha..

    bro lahat and karamihan dumaan diyan and dont worry po sir mature ang mga kasamahan natin dito :)
  • monching11monching11 Posts: 7,273B-Class
    Skkin wrote:
    chowzu wrote:
    monch,
    kita ko iba mga pics dito anlalaki na.. nahiya tuloy ako magpost ng pics ko bka matawa makakita.. hahaha..

    bro lahat and karamihan dumaan diyan and dont worry po sir mature ang mga kasamahan natin dito :)



    +10000

    uu tama si bro skkin, lahat nagdaan jan. At hindi tau palakihan ng katawan dito we're here to learn and help each other :)
  • chowzuchowzu Posts: 29
    10ogo5u.jpg

    59x2ew.jpg



    Yun sa taas eh pic b4 ako mag umpisa magbuhat, yun sa baba latest pic at 2 mons yun pagitan nila..

    Wala pinagbago ang ninipis pa din nun braso ko..

    Kainis nga tyan ko lang lumaki, sipag ko pa naman pero wala nangyayari sa akin kaya nakakainis.. Mga boss baka my iba pa paraan o maitutulong sa akin pra lumaki ng husto? ty

  • jaredstaanajaredstaana Posts: 209B-Class
    Dude comment lang 2 months ka plng nagbubuhat........ relax at least mga 6 months bago tlga makakita ng malaking results...... what's important is you develop the habit of lifting weights regularly..... I would advise na from time to time you lift weights sa gym malapit sa!alapit sa inyo kc pag lagi lang sa house buhat medyo tatamarin ka pag tagal.... don't fret dude, most of the buffed guys you see spent years developing those physiques.............. bodybuilding is a lifestyle choice...........keep it up good luck....

    Ang lalaking may siopao sa shorts

  • monching11monching11 Posts: 7,273B-Class
    Dude comment lang 2 months ka plng nagbubuhat........ relax at least mga 6 months bago tlga makakita ng malaking results...... what's important is you develop the habit of lifting weights regularly..... I would advise na from time to time you lift weights sa gym malapit sa!alapit sa inyo kc pag lagi lang sa house buhat medyo tatamarin ka pag tagal.... don't fret dude, most of the buffed guys you see spent years developing those physiques.............. bodybuilding is a lifestyle choice...........keep it up good luck....

    +1

    and bro lumapad naman ang shoulders mo eh, nakikita mo rin kasi ang sarili mo everyday kaya rin siguro di mo napapansin. try measuring din ung arms mo para ma monitor mo ung progress mo

  • AldrinAldrin Posts: 799C-Class
    ^oo tsaka medyo tumaba ng onti pero normal lang sa Bulking yun....

    tama nga si jared ..sa totoo lang pangit sa Bahay mag buhat..lalo na pag ikaw lagi ang utusan sa bahay nyo..halimbawa bubuhat ka tapos bigla ka uutusan..un ang nakakaasar dun at tatamarin ka talaga minsan...
  • zanezane Posts: 963
    +1 kay brader nikks at jared

    brader chowzu, PATIENCE. sa mga nabasa ko sa post mo e, gigil na gigil kang lumaki, na kahit restday mo e sumusundot ka ng buhat. +1 kay brader monch sa overtraining pag ginagawa mo yun. naiintindihan namin ang frustration mo pero lalo lang babagal progress mo pag lalo mong pinilit. and based from your photos, may improvement naman ser, siguro clouded lang isip mo kasi nga gustong gusto mo na agad lumaki kaya hindi mo napapansin gaano yung progress mo.

    para hindi ka mainip eto lang suggestion ko,

    Set monthly goals - example, let's say 150 lbs timbang mo ngayon, try to gain 5 lbs within 1 month. Be sure that your goals are realistic and achievable in a specified timeframe. Parang ang lagay kasi is grade 1 ka ngayon, gusto mo agad maggrade six next school year :) patience bro.

    Goodluck sa goals mo bro! Just let us know if you have any other questions and we will be glad to help!

  • monching11monching11 Posts: 7,273B-Class
    ^

    +1

    keyword when setting a goal: realistic
  • chowzuchowzu Posts: 29
    Kelangan pala ng mahaba panahon at pasensya sa body building, yun ang hindi ko alam at bago ko natutunan ngayon.. :)

    Mga boss salamat at naliwanagan nyo ako..
  • mas mabilis ung progress kpag sa gym ka nag bubuhat bro, liban sa maraming equipment importante din ung spotter para makabuhat ka ng mabigat, limitado lang ung weight na pwedi mong buhatin pag nasa bahay ka and hindi mo pweding gawing spotter ung hindi nag ggym. sa gym may instructor siguradong proper ung execution mo kc isa rin sa mga dahilan kung bakit mabagal ung progress kc malimali ung ginagawa and most of all sa gym lilipas ang oras o matatapos ung program mo na nakangiti kc parang highschool life ung environment sa gym d nakaka bagot.:D
  • SkkinSkkin Posts: 870
    galing ^

    limitado lang ung weight na pwedi mong buhatin pag nasa bahay ka and hindi mo pweding gawing spotter ung hindi nag ggym.

    +100

    nag workout ako sa bahay ng more or less 1 year (nag papapayat) pero ngayon nagpapalaki ako gym talaga
  • AldrinAldrin Posts: 799C-Class
    actually may technique naman pag na trap ka sa bench press..kaso dapat naka mats ung floor mo para pag bumagsak yung plates eh ayus lang
Sign In or Register to comment.


Today's Bible Verse

Provided by Christ Notes Bible Search