(Philippines-Manila)no country for BB



...sorry yung title eh medyo misleading, anyway lets move on to the subject i wanna discuss.


eating out in manila, napaka-hirap maka hanap ng resto na sulit na nag seserve ng matinung maka-in. karamihan kasi mga napaka unhealthy.

mga usual suspek sa menu

fried chicken-no need explanation
anykind luto sa pork-60% taba ang unti ng karne

natry ko karekare sa max abay ang karne eh ang unti wala pa sa 50 grams siguro rest is sauce na lang o kaya balat ba yun ng baka. sinubukan ko din sinigang na bangus, abay ganun din dalawang subo lang ubos na.

mang-inasal naman yung pm1 nila sobrang daming fats nung chicken halos 30% skin 30% bone rest meat at litid. buti't affordable kaya 2 pork bbq kuha ko at isang chicken.

terriyaki boy-yung tuna sashimi nila maganda sana healthy problema lang napaka unti siguro 50grams lang baka wala pa, it cost 200 siguro di sulit.

halos ganito lahat ng menu sa resto sa manila na puntahan ko. iba thai daw or korean pero ang lasa pilipino food padin, mas ok pa mag seafood resto na lang mas safe, atleast you'd know what you'd get. Mas ok pa yung mga small time na resto yung di nag pafranchise mas ok seafood nila at mas affordable problema lang kailangan mo pang puntahan pa.


...napapainum tuloy ako ng whey 3x a day kasi nakukulangan talaga ako sa protein. btw di pala ako nag cocomplain sa taste, pwede na, ang serving size lang talaga at quality ng meat.



...bukas sa davao ako, ipopost ko ang difference ng price at serving size sa mga resto doon.



Comments

  • chikinitochikinito Posts: 461
    Dito kasi sa Pinas hindi considered masyado na masama ang pagiging "MATABA" or pagkain ng nakakatabang food. Plus, lagi sinasabi "Ok lang basta paminsan minsan." Pero ung paminsan minsan na yun relative "madalas" na eh. ^_^

    It's nice minsan nag-eeffort mga kainan na gumagawa ng "healthy food" section. Kaso minsan hindi healthy yung nilalagay nila eh. Hahaha..

    Looking forward for you post po. Thanks for sharing.
  • monching11monching11 Posts: 7,273B-Class
    ^

    kaya no choice talaga tayo dito bro, we have to prepare our own meals talaga if we want to meet our protein/carb intake.

  • SkkinSkkin Posts: 870
    very nice read sir

    mahusay and totoong totoo yung mga binangit
  • AldrinAldrin Posts: 799
    wala taung magagawa...ganun talaga..mayayaman eh hehehe...tsaka tactics sa business un...mas masarap mga pagkain = mas marami tao
  • monching11monching11 Posts: 7,273B-Class
    ^

    uu kasi kadalasan naman kasi ng kumakain sa labas is for pleasure.

    as red said nga parang "feel good" or comfort foods hehehe
  • SkkinSkkin Posts: 870
    pero country for bodybuilding pa din naman hehe.

    kasi sa case ko madalas ako kumain naman sa bahay pag nasa work may baon ako lagi
  • AldrinAldrin Posts: 799
    ang pagkain nga sa Bodybuilders diba puro steam chicken breast,boiled eggs,fish etc etc...kung yun ang puro pagkain sa mga restaurant at halos 90% ganun sa buong mundo edi malulugi mga business haha kasi hindi masarap sa panlasa nila mga kinakain natin.......
  • dnowzdnowz Posts: 229
    kaya ako sir ngbabaon na lang, dami pa nman resto dito sa mall, dati nung hindi pa ko "aware" sa kinakain ko, kahit ano lang magustuhan,
  • jbjjbj Posts: 18
    ang pagkain nga sa Bodybuilders diba puro steam chicken breast,boiled eggs,fish etc etc...kung yun ang puro pagkain sa mga restaurant at halos 90% ganun sa buong mundo edi malulugi mga business haha kasi hindi masarap sa panlasa nila mga kinakain natin.......


    mga bodybuilder lng customer nla bro:P
  • El-bad4ssEl-bad4ss Posts: 265

    sorry guys medyo natagalan ang follow up ko, nag road trip kasi kami to sarangani sobrang isolated nayung pinuntahan namin alang internet.


    anyway ito yung resto na nakai-nan ko sa davao

    dencio's & penongs (identical ang menu)
    grill mix with tuna, 6x pork bbq, 2x chicken bbq, 1 squid, and 2 pcs pork chop. 650 pesos lang, kasyang kasya pang 5 tao kahit bb pa kasi ang la-laki talaga ng serving size.

    yung grilled tuna belly nila is 140 pesos per 100 gram so sa 100gr is 29 gr protein ang labas is 4.8 pesos per gram ang protein, ok na mura na. tama ba yung math ko?

    bulkachong(pang masa na resto) kumain ako ng sinabaw na kalabaw, first time ko ang sarap pala ang dami pa good for 2 serving nila di tinipid ang karne, for 90 pesos only.

    kilawin na malasugue- 50 pesos per serving, tancha ko nasa 70 grams ang malasugue.

    +rice 10 pesos.

    sa 150 moy busog na busog kana.
  • El-bad4ssEl-bad4ss Posts: 265
    pbkj.jpg

    singit ko na din toh.
  • nattypinoynattypinoy Posts: 158
    makasabat na rin bro.
    mas ideal ata na pede kainan dito
    sa atin is mga grilled resto kaya
    mas less ang additives sa food prep.
    yun nga lang mahal :D

    kaya nga talagang kelangan sa mga tulad natin is disiplina sa pagkain
    we are what we eat ika nga
  • pre taga davao din ako. sulit taga dyan sa penongs. kaya pag umuuwi ako dyan, pumupunta talaga ako dyan
  • CoreCore Posts: 2,508B-Class
    chikinito wrote:
    Dito kasi sa Pinas hindi considered masyado na masama ang pagiging "MATABA" or pagkain ng nakakatabang food.

    Sa mga third-world countries, prominent kasi ang mapapayat sa general population. At mas binibigyan pansin sa bansa natin yung malnourished at underweight sa BMI, such as those feeding programs ng mga school...
    Aldrin wrote:
    wala taung magagawa...ganun talaga..mayayaman eh hehehe...tsaka tactics sa business un...mas masarap mga pagkain = mas marami tao

    Mahilig din kasi ang pinoy sa mga maaalat at matatamis.
  • badass_vinchbadass_vinch Posts: 4,459A-Class
    ^kelan lang naman kasi nauso magpaganda ng katawan at healthy lifestyle kuno dahil puro sexy models ang pinapakita sa TV. nung sila Cesar Montano, Bong Revilla, Jestoni Alarcon, Aya Medel, Rosanna Roces ang mga endorser hindi naman health conscious ang mga pinoy. Tamo ngayon, lalagyan lang ng "healthy" or "less fat / sugar free" yung pagkain bebenta na. Pati yung ibang resto may mga "low carb options" pang nalalaman.

    live&dieNATURAL

  • allen101allen101 Posts: 5,102
    ^ Dagdagan pa natin ng "cholesterol and fat free"
    Yan ang nakalagay sa canned fruit cocktail.
    Fucking lol. Malamang prutas yun wala talagang fat at cholesterol unless iprito nila.

    hahahahaha
  • badass_vinchbadass_vinch Posts: 4,459A-Class
    pero ang naiirita ako e yung mga nagsulputang tea cafes! pinipilahan pa!

    pag may nakita ka dun na nagggym tapos pumipila dun, malamang... alam na! hahaha

    live&dieNATURAL

  • monching11monching11 Posts: 7,273B-Class
    Just put in the "fat free" "reduced fat" "no carbs" "low carbs" etc bebenta agad yan hahahaha.
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    ^ Noted. Dikitan ko yung PM7 ng mga ganyan! Hahahahaha!
    Tapos meron pa "Suuuuuuuuper healthy!"
Sign In or Register to comment.

Today's Bible Passage