Gym Equipment Rental

Hi mga boss, kunin ko lang sana consensus nyo about kung magkano ang makatarungang gym equipment rental.

Balak ko kasi magtayo ng Gym, pero as all you know, malaki ang capital ng gym business although less maintenance. Yung may-ari ng gym kung saan ako nagwoworkout ay nag-offer sa akin na pwede daw nya parentahan yung gym equipments nya. Bale bukod kasi sa mga equipment sa gym na pinaggigiman ko, meron pa syang isang set pa ng equipments na nakastock lang sa kanila dahil walang magbabantay kung magoopen pa sya ng isa pang gym.

Ang offer nya sa akin is, paparentahan nya sa akin yung equipments, magkakaroon kami ng contract for couple of years, then babayaran ko sa kanya yung rental per month. Good oppurtunity sa akin kasi makakapag open ako ng business ng walang capital. Pero ang tanong ko lang is kung magkano yung rental ng equipments na hindi naman ako dehado.

Salamat sa tutugon. More power and more reps to come. :sport:

Comments

  • sir mg open ka na lang ng sayo... ganun din naman heheh 100k meron ka na maitatayo na gym :)
Sign In or Register to comment.

Today's Bible Passage