Running

Just got into running.

Sumali ako recently sa isang fun run sa Clarkfield, Pampanga. Nakakahiya nga akala ko pangbeginner yung 2.5k run. Ngayon pala pambata! Nakiusap pa nga ako sa organizers para ipasok ako sa 5k run ayaw nila. Di na daw pwede lumipat. ^_^ Badtrip.

Bought shoes, shorts, shirts specifically for running na rin. It really did improve my performance. Lalo na ang shoes. Yung damit sumisipsip ng pawis.

Hopefully meron din runners sa inyo para makapagshare share naman tayo ng tips and tricks dito sa pinoy bodybuilding.
«13456789

Comments

  • cheesecakecheesecake Posts: 110
    Sobrang importante ang SHOES kasi iba-iba yung mga feet natin, and there's certain forms of shoes that can help support us when running or else risk injury.

    Running shouldn't be done straight away also.. start slowly, cover the distance first before improving speed :D Naka 6k ako. Haha. Wala lang.
  • SkkinSkkin Posts: 870
    might try running.

    na invite ako sa march 13 ata ng DZMM. nasa akin na yung form pero hindi ko pa nababasa. my cousin is into running kasi. bahala na. kayo guys may pupunta ba sa inyo doon?
  • TripleiTriplei Posts: 6
    ano ba recommended noy na running shoes na within 2K pesos lang...
  • chikinitochikinito Posts: 461
    cheesecake wrote:
    Sobrang importante ang SHOES kasi iba-iba yung mga feet natin, and there's certain forms of shoes that can help support us when running or else risk injury.

    Running shouldn't be done straight away also.. start slowly, cover the distance first before improving speed :D Naka 6k ako. Haha. Wala lang.

    Yep. Importante yung shoes. Nung una walking shoes ginagamit ko. Hirap ako tumakbo kasi pangit pakiramdam running with walking or casual shoes. And then I bought running shoes. Naramdaman ko agad ang improvement. Astig! And since tumatakbo lang ako sa highway, I bought a running shirt. Malaki rin tulong in terms of pawis, natutuyo siya agad sa isang reservoir sa gitna. I'm using Adidas Climacool.

    Skkin wrote:
    might try running.

    na invite ako sa march 13 ata ng DZMM. nasa akin na yung form pero hindi ko pa nababasa. my cousin is into running kasi. bahala na. kayo guys may pupunta ba sa inyo doon?

    Ilang kilometers? San ba yan?



    Triplei wrote:
    ano ba recommended noy na running shoes na within 2K pesos lang...

    I read the book "Running Fast and Injury Free" by Gordon Pirie
    Sabi dun sa book, ang best shoes daw eh flat ang lining. And then, bilhin mo daw pinakamagaan na shoes na mabibili mo. Plus dapat, snug fit sa'yo. He helped develop shoes sa Adidas.

    So with that in mind, hanap ka na lang ng kahit anong tatak na maganda fit sa'yo na kasya sa budget mo. Running shoes ko Adidas Response Cushion. Bought them at 2,250. 50% discount nun sa Robinson's Starmills all items. Wahehehe..

    Kung light na shoes hanap mo mas magaan generally ang Nike shoes. Hanap ka na lang ng nakasale. Generally kasi mahal ang running shoes and nasa 4k to 5k ang regular price. Marami naman nakasale, in the end tool lang ang shoes and nasa tao pa rin kung makakatakbo siya ng maayos o hindi.
  • I'm into running too. Sino sasali dito sa Hyundai run on Apr 2?
  • chikinitochikinito Posts: 461
    San yan?

    Hanggang Pampanga lang ako eh. ^_^
  • chikinito wrote:
    San yan?

    Hanggang Pampanga lang ako eh. ^_^

    Sa Fort

  • chikinitochikinito Posts: 461
    No chance ako makapunta. ^_^

    Ndi ako marunong punta jan eh. Hahaha.. Out of budget pati.
  • DSmallDivideDSmallDivide Posts: 4,565B-Class
    @Triplei

    I think pagdating sa pagbili ng maganda na shoes for running, mdyo klngan tlga pagipunan ng onti yan. For me, ang rule ko kasi eversince pagdating sa pagpili shoes mapa casual or athletic shoe man sya is this. "look for a shoe that is bulit mainly for comfort not for its style" I always look for the "HAPPY FEET" feeling pag nagsusukat ng shoes. Kasi, oo naka NIKE or ADIDAS na running shoes, kung di ka naman comfortable sa suot mo, para't ano pa diba? Di ka din makakatakbo ng matino/mabilis kung ganun. magkakapaltos/injury ka pa worst case scenario. Like nga ng sabi ni lady cheesecake eh iba-iba ang feet natin, it means iba-iba din ang shoes na babagay sa mga paa natin lalo na sa athletic activities. Siguro pagdating sa running shoes, you can try checking Asics, New balance, mga around 3-4k may maganda ka na makukuha nun and matitibay din yung brands na yun. Mas maganda na wag din msyado tipirin ung shoes if you are really into runing, as long you buy quality shoes. Pagipunan mo lang sir ng onti.
  • lastresortlastresort Posts: 1,116B-Class
    ako I usually use NIKE for running.. pag weight training naman ADIDAS.. magaan kasi ung nike eh. ung adidas naman mas feel ko ung support sa paa ko..

    Pero ngayon kapag nagkabudget me, I want to try MIZUNO..
  • ProlevelzProlevelz Posts: 1,162
    ECCO USA SHOES

    the best yung running shoes nila

    pero ang sobrang mahal...
  • inverterinverter Posts: 182
    I use Skechers Shape up, talagang nag invest ako dito, it is also my first running shoes, kaya medyo mahaba na pinagsamahan namin nito.. :)

    inlove na nga ata ako sa kanya eh. heheh lolz.

    mga master post kayo nang mga sched na funrun, ang alam ko may run for pasig river yata this coming 11 20 2011
  • Check this site: www.takbo.ph and www.pinoyfitness.com for run schedules.

    I ran my first 5k, first 10k and first 21k this year. Grabe makaburn ng fats and increase your stamina sa gym o sa kama man hehe :)
  • inverterinverter Posts: 182
    ^ sali ka ba sa upcoming milo marathon bro?
  • donbuhdonbuh Posts: 3,164C-Class
    hoy kirby balitaan mo ko sa takbo..gusto ko ulit manakbo eh...
  • inverterinverter Posts: 182
    haha hoy donbuh sige, mas ok pag may kasama hindi ramdam ang pagod. hehe
  • donbuhdonbuh Posts: 3,164C-Class
    pero ayako ng kawentuhan sa takbo huh..baka mag kwento ka alng habang natakbo..sige hanap pa tayo ng mga kasama tapos baka sakaling may mapag agreehan tayong takbo...
  • monching11monching11 Posts: 7,273B-Class
    ^

    ROFL
  • inverterinverter Posts: 182
    nyah, hindi naman master donbuh, ang hirap kasi na sa karamihan nang tao dun, ikaw lang alang kakilala, wawa naman pag ganun.plano namin nung friend kong isa sa milo marathon dec 11, 2011. check mo na lang bro sa net kung ok sa yo ang schedule.
  • donbuhdonbuh Posts: 3,164C-Class
    sige sige...eh finals na yung sa milo eh...
Sign In or Register to comment.

Today's Bible Passage