Na-Bubully kaba nung HS/Elem.?

AldrinAldrin Posts: 799
ibang usapan naman..walang bodybuilding related masyado :D


ako Oo nung 2nd year Highschool pinakamatindi..1st year Oo din pero di gaano...

parang pag naalala ko 2nd year hs life ko parang wala eh lagi ako nasasapak nun hehe....parang ayoko na isipin...


.......
kayo?
«1

Comments

  • SkkinSkkin Posts: 870
    hindi bro ako nakakasuhan ng bullying

    pero para sa akin hindi bullying ginagawa ko medyo mapagbiro kasi ako noon.

    noong 2nd year ako pinatawag pa ako sa office kasi may nagreklamo binubully ko daw yung 3rd year natawa nalang ako

    noong 3rd year ako pinatawag din ako pero 2nd year naman nag reklamo sa akin. naalala ko pa yung erpat noong student sabi "kung sa letran ka nagaral saksak aabutin mo". natawa ako that time pati yung APSA/councilor noon nagulat sa binitawan nung parent. pero wala talaga ako maalala case ng nambully ako or atleast for me hindi bullying yun

    4th year nireklamo din ako ng classmate ko naman extortion naman daw at bullying eh nag talo kame noon sa service kala ko ayos lang kase pareho kame lalake yun pala pag uwi nag sumbong pala buong year ttuloy siya pinagtatawanan naawa nga ako eh.

    pero kahit lagi ako bullying gusto ako ng majority ng mga teachers ko :D
  • boss_jboss_j Posts: 1,243B-Class
    Hahaha sa case ko naman baligtad, kami nan bubully meron pa kami taga bitbit ng bag, tatanda ksi ng mga tropa ko dati lol.
  • chikinitochikinito Posts: 461
    Besfren ko mga BULLY kea never ako nabully talaga. Subukan lang nila.. Hehehe. ^_^
  • dnowzdnowz Posts: 229
    hindi rin ako nabully nung hs tsaka elem, tapat lng kasi ng bahay nmin ung school koh e, walang nag attempt, hahaha
  • SkkinSkkin Posts: 870
    ^

    hahah good for you bro. isang pitik lang sa iyo abang agad sa labas haha
  • dnowzdnowz Posts: 229
    ^

    hahaha, hindi naman sir, ako pa nga ngbubully eh, pero ung mga barkada ko lang,
  • monching11monching11 Posts: 7,273B-Class
    @skkin and Jeri

    Mga bullyboys pala mods sa PBB! ROFL
  • AldrinAldrin Posts: 799
    ^haha ako hindi ah...
  • exaltedexalted Posts: 64
    Nung elementary lang siguro. Take note she's a girl. Pero never akong pumatol kahit kaya ko. Mataas respeto ko sa babae lol. :D Highschool wala naman kasi friends ko pa nga yung mga yun dahil ako ang kinokopyahan nila pag may exams. Naalala ko pa nga one time na pinatawag ako ng teacher namen nun kasi pare parehas kami ng score sa isang exam haha. :D
  • SkkinSkkin Posts: 870
    @monch

    hindi naman brader monch pero kung oo okay lang basta may time na mag mature din tayo at mamimiss din natin yung old school memories hehe :)
  • boss_jboss_j Posts: 1,243B-Class
    GOOD BOY naku ngayon nyahahaha
  • monching11monching11 Posts: 7,273B-Class
    @skkin

    hahaha sa pics mo ung before and after gangster pose ka eh heheheheh

    @jeri

    Wahahaha naka all CAPS pa

    @exalted

    yan din ang benefit pag matalino at marunong kang makisama, untouchable ka hahahaha
  • boss_jboss_j Posts: 1,243B-Class
    ^hahaha gangster yata si pareng sskin dati baka me bakal ka pa jan bossing.

    Tama pag matalino ka untouchable ka yun nga lang dapat mabait karin sa mga bully, kasi pag dimo pinagbigyan patay ka lol "experience lang lol nun HS" , mahirap jan pag pinagawan ka pa ng assignment nila lol.

    Kaya sagot jan friendly ka lang dapat tsaka syempre MUSCLE MAN hahaha..

  • monching11monching11 Posts: 7,273B-Class
    ^

    oo blood/crips temple/tbs ata si bro skkin eh hehehehe.

    Tropahin dpat ung mga siga pero in a way na may respeto pa rin sila sayo
  • SkkinSkkin Posts: 870
    hahah hindi bro haha. hindi ako sumasali sa mga gang hehe. nagkataon lang :D

    eto pic namin noong HS ako 2nd year kame dito 2001-2002. gangster nga ata haha pero hindi ako tbs / tst ha hahaha

    tangal photo binu bully ako ni brader monching

    [size=xx-small]kaw talaga brader monch hahaha mapalitan na nga pic ko :P[/size] :D
  • monching11monching11 Posts: 7,273B-Class
    ^

    hahaha gangster na gangster talaga oh!

    Pinalitan mo nga ung pic kasi mas gangster lalo ang dating hahahhahahaha!
  • SkkinSkkin Posts: 870
    ^

    hahaha ayoko na brader! haha suko na ko. binu bully mo ko brader :(

    [size=xx-small]hindi pa din ako gangster [/size]:(
  • monching11monching11 Posts: 7,273B-Class
    ^

    hahahaha yeah right! and the world aint round brotha!
  • AldrinAldrin Posts: 799
    share ko to sa inyo Guys..simula talaga nung nag Bodybuilding ako di ako nagiging palaaway pero pag may nanakit sakin sinasaktan ko kagad...

    dito ko napatunayan na di pala ko palaaway

    isang araw sa Flag Ceremony medyo biniro ako tapos biniro ko din siya...eh ambabaw lang nun kaya di ko matatawag na bully...ang bully kasi diba ung nakakaasar na sa tao o nakakasakit kana ng damdamin..

    tapos bigla nya ko sinapak sa dibdib..tapos sinapak ko din siya...2x ang laki ko sa kanya pero liit lang katwan ko kahit ngayun hehe......tapos un nag kainitan kami kasi pag kasapak ko sa kanya nun nasira ko yung kwintas nya..dumugo pa kamay ko nun

    tapos sa classroom pinag iinitan ako...iniisip ko parang may round 2 pero alam nyo ginawa ko?eh ayoko ng away..ang ginawa ko nireport ko siya sa Adviser namin...at siya din talo sa Pag uusap namin dalawang titser, ako at siya ...ayun pinag usap kami tapos nag kaayus na kami..

    proud naman sakin yung dalawang titser ko...


    after ilang months..
    yung nakaaway ko na yun yun pa yung tumulong sakin nung nasagasaan ako ng jeep last year...siya yung nag alalay sakin papuntang clinic...at kung hindi dahil sa kanya di ko na makikita gamit kong salamin khit ngayun...nasa 1.2k din ang presyo ng salamin ko may kasama kasing pang laban sa radiance.....masakit din sa bulsa :Dactually ang Gangster di na yan masyado uso kasi nakikita ko sa School namin...kasi diba kaka ano ko lang sa HS...

    ang pag Gangster ay konti nalang..di na masyado uso yan sa highschool haha...
    pag nakita yung porma mo na gangster eh sabihin ng titsers may frat ka or isipin lnag pag kinausap ka...tsaka sinasabi rin nila "absent nanaman yung (name) na gangster na yun"

    tsaka may mga matatalino din binubully padin..konti nga lang...pag may Test mababait ang mga nangbubully hahah...

    pag recess dyan na lumalabas mga tunay na ugali nyan or pag walang ginagawa sa school
  • SkkinSkkin Posts: 870
    @red

    ayos pala red at naging kaibigan mo yung naka initan mo
    tsaka sinasabi rin nila "absent nanaman yung (name) na gangster na yun"

    sa amin noong high school bawal ang name calling lalo na sa teacher
Sign In or Register to comment.

Today's Bible Passage