supplements overload

napatigil ako sa pagbubuhat dahil sa wrist sprain ko,

by december ko ulit balak bumalik so ung pang gym na gagastusin ko iipunin ko muna

balak ko bumili ng ON serious mass, promatrix 7 and on creatine.

ok lang ba na gamitin ko yung tatlo sabay sabay araw araw?


nung naubos ko kasi this april ung mutant mass 15lbs ko nag gain nga ako pero parang sumingaw lang din ung gains ko after 1month

Comments

  • SmallWIJISmallWIJI Posts: 742B-Class
    Bro, pwede naman gamitin yan araw araw. ung Serious mass gamitin mo before and after workout tpos ung PM7 before bed mo gamitin kasi sa casien niya. ung creatine 5g a day ang take mo nito. better magtake ka nito pag workout days lang. mas effective kapag mas dadamihan mo ang pagkain mo tiyak makikita mo ang gains. yan ung mga info na yan galing dito sa PBB. Goodluck pagaling ka injury mo :)
  • LazarLazar Posts: 565
    Kung ako lang bro, I'll take PM7 and crea at the same time. Then pagkain na lang yung pang bili ng Serious Mass...
  • dimzon03dimzon03 Posts: 1,524A-Class
    bka kaya ka sumingaw eh siguro hindi ka rin nagkakakain nung wala ka ng supplement...
  • badass_vinchbadass_vinch Posts: 4,459A-Class
    Bro, kung ako sayo wag mo itodo yung investment mo sa supplements lalo na at newbie ka pa lang. Naadik din ako sa supplement nung nagkawork na kasi may pambili na ako, sa umpisa whey lang, tapos whey and crea (capsules pa lang available dati), then whey, crea, fat burner, tapos umabot sa point na nitrotech/celltech/hydroxycuy stack plus Dymatize slow release whey tapos centrum. Although may maayos na akong foundation dati, may gains naman akong nakuha sa mga supplements yun nga lang wala ako masyado budget for food especially meat. Naging pala asa ako sa whey kasi 150-160lbs of protein lang ang target ko noon. Puro ako inom ng whey, tapos yung chicken breast 2kg for 5 days ang budget ko. Malaking kalokohan! Ngayon 1kg chicken per day ako and I can tell the difference ng katawang sagana sa pagkain versus sa katawan na sagana sa supplements. May tamang lugar ang paggamit ng supps pero wag natin exaggerate yung pagamit especially ng whey. Tsaka mo kakailanganin ang madmaing supplements pag patayan na ang training mo, may injuries ka, work araw araw, family and ofcourse pag kilala mo na katawan mo. Good luck :)

    live&dieNATURAL

  • allen101allen101 Posts: 5,102
    Di overload yan bro. Hehe.
    Tama lahat ng nabangit sa taas
  • raokikunraokikun Posts: 154
    SmallWIJI wrote:
    Goodluck pagaling ka injury mo :)

    sir @SmallWIJI cge ser try ko ung creatine and pm7 lang muna tapos add ko yung advice ng iba. ty
    dimzon03 wrote:
    bka kaya ka sumingaw eh siguro hindi ka rin nagkakakain nung wala ka ng supplement...

    siguru nga ser naisip ko rin na tuloy tuloy pa rin workout ko tas nawala supp mas marami ung nabuburn ko na calories kesa sa intake ko ngayon ko lang naisip maraming salamat!
    yung chicken breast 2kg for 5 days ang budget ko. Malaking kalokohan! Ngayon 1kg chicken per day ako and I can tell the difference ng katawang sagana sa pagkain versus sa katawan na sagana sa supplements. Good luck :)

    sige mukang napabago niyo ang isip ko, bibili na lang ako ng pm7 and creatine then add ako ng 100 peso na boneless chicken everyday good for 1 month parang bumili na rin ako ng serious mass na 12lbs.

    ser vinch ung 1kg mo na chicken per day magkano yun? ok na ba ung 100peso boneless chicken everyday? hatiin ko na lang ung intake the wholeday

    maraming salamat sa inyo sir @allen for the support and advice
  • bokehbokeh Posts: 394
    sa SM (yung bounty fresh or magnolia ata yun) 199/kg yung breast fillet nila. ginto. pero sulit yan. :) pero mas mura yan pag sa palengke ka bibili.

    chaka na ako kakain ng ganito araw araw, sa eggs nalang muna ako.
  • Emman1986Emman1986 Posts: 1,819B-Class
    " by dec na lang ulit siguru ako buhat ipon ipon din muna para sa supp " - wrist sprain thread

    " by december ko ulit balak bumalik "


    brod, matanong ko lang, sabi mo kasi titigil ka muna sa training at magsisismula ka ulit sa december. so plano mo inumin yang mga supp sa december or ngayong habang nakapahinga ka? salamat
  • raokikunraokikun Posts: 154
    @Emman1986 sa dec na sir, nag iipon lang muna ako ng mga info, o kaya once na gumaling tong wrist ko, sabi kasi nung iba matagal daw bago gumaling 1month na to pero nararamdaman ko pa rin ung slight na pain
  • LazarLazar Posts: 565
    Tagal nung December bro ... for me mentras hindi mo ginagalaw yan baka lalo lang hindi gumaling, kumbaga (binebeybi), pero siempre hindi ko naman sinasabi na pwersahin mo.

    Again, ganyan ang injury ko. Same exercise. Shoulder press. Mas malala pa ata yung sakin dahil pag lapag ko ng 70lbs - end of set, hindi ko na mabuhat kahit 15 lbs na curls.

    Almost 1 week rest, then unti-unti, workout lang, gamit ng wrist support.

    Ang outcome? For me, walang nawalang gains sakin. Ang tendency kasi pag matagal ka nahinto, yung ilang buwan mong pinaghirapan, mawawala agad na parang bula lang.

    Good luck and get well.
  • raokikunraokikun Posts: 154
    Lazar wrote:
    Again, ganyan ang injury ko. Same exercise. Shoulder press. Mas malala pa ata yung sakin dahil pag lapag ko ng 70lbs - end of set, hindi ko na mabuhat kahit 15 lbs na curls.


    wah sir ganyan ganyan din ung nangyari sakin, after na ma injure ako akala ko ok pa kasi, so sinubukan ko buhatin ung 10lbs na db pero di ko na mabuhat sobrang sakit kahit magaan. pero di agad ako umuwi nag sh press machine ako ok. parang pag naka straight ung kamay nasakit pero pag ung bb press ganun hindi..

    cge sir subukan ko payo mo. body exercises muna ako sa bahay baka aug 15 gym na ulit
  • LazarLazar Posts: 565
    ^ okay...or try mo gumamit muna ng machines, para stable at hindi pagalaw-galaw yung wrist mo. Pero pag naramdaman mo na masakit talaga, wag mo pilitin. Ibaba mo ang bigat at subukan ulet yung exercise hanggang sa magawa mo ng maayos.
Sign In or Register to comment.

Today's Bible Passage