i'm very confused about grams of foods

mga sir boss chief,

paano nyo ba namemessure ang mga grams ng calories, proteins, carbs and etc. ng bawat food?
sa lifestyle ko kasi kung ano lang ang ihain ng nanay ko sa lamesa un nalang din ang

kakainin ko (but i always request protein source foods) kaya mejo naguguluhan ako

kapag may mga nababasa akong mga articles and blogs about food diet hindi ko nagegets ung mga dami ng foods na dapat itake.

sana may makapag paliwanag sakin..

Comments

  • popoycantonpopoycanton Posts: 216C-Class
    measure teh food raw, obviously you need a scale. Then, now knowing the weight, cross check w/ a calorie database site like myfitnesspal.

    example.
    pumunta ka sa supermarket.
    diretso ka sa chicken station. bingo!!
    kinuha mo ung attention ng chicken salesperson.
    ikaw: Oi! pabilhan mo nga ako ng 200 grams chicken breast fillet ung walang skin. Pakibilisan pronto!!!!
    salesperson: Ay oo saglit lang macho.
    ikaw: No problem. Ang cute mo pala.
    ~Sumandok ng manok ang salesperson at tinimbang. Ayun swak 200 grams. yehey!!
    salesperson: Oi macho eto na ang 200 grams mo na chicken breast fillet no skin. Balik ka ulit ha papa. May girlfriend ka na ba?
    ikaw: Pasensya ka na at hindi ako interesado sa relasyon ngayon. Ang lahat ng attention ko ay nasa pagbibilang ng macro at calories - siya ang mahal ko.

    :)

    pumunta ka sa myfitnesspal at used their search function at ang lumabas ay
    200 grams raw chicken breast:
    220 calories
    46 grams protein
    2 grams fat
    0 grams carbohydrates.

    ngayon lutuin mo na at kainin. Ibig sabihin nito you consumed 46 grams of protein. congrats!
  • rtravino29rtravino29 Posts: 1,549
    dami kong tawa LOL!
  • bk1on1bk1on1 Posts: 35
    Hahaha natawa nmn ako dun kwento ni boss popoy lap3p :D
    Ganun pla un aq kc bsta kain lng ng kain kng anu ang nka hain sa lamesa namen hehe
  • Emman1986Emman1986 Posts: 1,819B-Class
    kung ang sitwasyon mo ay kaen ka lang ng kaen kung ano ang hain nang nanay mo, ganito gawen mo. kung nagluto nanay mo ng tinolang manok, hangat di ka pinapaglitan o pinipgilan ng nanay mo na tigilan ang pagkain ng manok, any part sa tinolang ulam nyo, kainin mo lang ng kainin! hehehe make sure lang na madami niluto ni nanay mo para ok ang protein intake mo sa isang upuan na yun! mga 2 hita ng manok, 2 pak pak, buong katawan ng manok dapat minimum hihihi
  • bk1on1bk1on1 Posts: 35
    Emman1986 wrote:

    haha sa ngaun nag rerequest ako lagi ng eggs kada mag sasaing para may protein palagi :blush:
  • Ok1m_Ok1m_ Posts: 50
    Kung gusto mo magsukat ng calories, I suggest ikaw lahat magprepare ng kakainin mo. Madami naman calorie counters sa net. Dati nagbilang ako ng calories strikto. Kahit nasa mall ako may baon akong tuna o itlog. Najojologan gf ko sa akin. Hahaha!
  • CoreCore Posts: 2,508B-Class
    Ok1m_ wrote:
    Kung gusto mo magsukat ng calories, I suggest ikaw lahat magprepare ng kakainin mo. Madami naman calorie counters sa net. Dati nagbilang ako ng calories strikto. Kahit nasa mall ako may baon akong tuna o itlog. Najojologan gf ko sa akin. Hahaha!

    LOL. Feel 'ya brah! For the sake of gains!
Sign In or Register to comment.

Today's Bible Passage