Is there such thing as lean bulk?

rreorarreora Posts: 178C-Class
Guys,

Your thoughts? Malapit na beach month e. Kaya kailangan maging sexy tayo as much as possible.
«1

Comments

  • badass_vinchbadass_vinch Posts: 4,459A-Class
    YES... BUT there is a big difference here pag newbie ka (say 6months-3yrs) versus veterans (5 years up).

    pag newbie ka, malaki ang chance mo sa lahat, strength gain, fatloss, mass gain, recomposition etc.

    Once your body has been there and done that or adapted to alot of things, it gets harder to achieve the same or better results.

    example:
    fatloss - from 300lbs obese, it's easier to drop to 200lbs & drop alot of fat kung consistent ka naman. once you hit a plateau on fatloss, suddenly lost ka na at stuck. Actually mas madami namomoblema na BB's on how to drop from 18-15%BF to 10-12%.

    muscle gain - from skinny ecto na 120lbs, nag-gain ng weight up to 150lbs (mostly muscle). while the gains are good, they still look thin with that frame. kaso after the newbie gains slowed down yung dating 30lbs muscle gain in 6 months - 1year e hindi na umandar. kahit 10lbs hirap maachieve.

    possible ang lean bulk, pero identify mo muna yung individual situation mo kasi walang one size fits all na approach or process dyan :)

    live&dieNATURAL

  • rreorarreora Posts: 178C-Class
    Paano po ba mag lean bulk? Nutrition din? Endomorph kasi ako.

    Normal naman kasi tumaba pag nag bbulk, gusto ko lang talaga maiwasan yun sobrang pag taba.
  • badass_vinchbadass_vinch Posts: 4,459A-Class
    rreora wrote:
    Paano po ba mag lean bulk? Nutrition din? Endomorph kasi ako.

    Normal naman kasi tumaba pag nag bbulk, gusto ko lang talaga maiwasan yun sobrang pag taba.

    ang tanong ko sayo, anong meron ka?

    may shape na ba frame mo?

    how much muscle do you have?

    how about BF? san problem areas mo?

    at ALAM MO BA GINAGAWA MO RIGHT NOW OR FEELING MO CHUMACHAMBA KA LANG?

    :)

    live&dieNATURAL

  • rreorarreora Posts: 178C-Class
    Shape?
    - Di gano halata due to high bf%. pero buff tignan.

    Muscle gains?
    - Siguro bigger size than newbies

    BF: 20%

    at ALAM MO BA GINAGAWA MO RIGHT NOW OR FEELING MO CHUMACHAMBA KA LANG?
    - Sa tingin ko tama naman ginagawa ko kung ibabase sa mga nababasa ko at natutunan ko.
  • badass_vinchbadass_vinch Posts: 4,459A-Class
    rreora wrote:
    Shape?
    - Di gano due to high bf%

    Muscle gains?
    - Siguro bigger size than newbies

    BF: 20%

    at ALAM MO BA GINAGAWA MO RIGHT NOW OR FEELING MO CHUMACHAMBA KA LANG?
    - Sa tingin ko tama naman ginagawa ko kung ibabase sa mga nababasa ko at natutunan ko.

    1. Build some decent shape and size first.

    2. haha bigger? probably taller & heavier than other FELLOW newbies, agree? :)

    3. BF: 20% - this will take time...

    4. have you read and heard the bad stuff?

    :)

    live&dieNATURAL

  • rreorarreora Posts: 178C-Class
    2. haha bigger? probably taller & heavier than other FELLOW newbies, agree? Smile

    Hmmm. Pwede din sir.
    4. have you read and heard the bad stuff?

    What do you mean? Like what?

    Going back to my question, pano po ba mag lean bulk? at ok lang ba mag lean bulk sa akin? Wala pa kasi ako nababasang definite answer sa tanong ko.
  • putrackputrack Posts: 89D-Class
    rreora wrote:
    Paano po ba mag lean bulk? Nutrition din? Endomorph kasi ako.

    Normal naman kasi tumaba pag nag bbulk, gusto ko lang talaga maiwasan yun sobrang pag taba.

    Try reading "body building revealed by will brink" this is a very good book. I think you can find all the answers to your questions in that book. :)
  • badass_vinchbadass_vinch Posts: 4,459A-Class
    What i mean is, reality... and experience... because you cant google and read your way to a good physique. OO maganda magresearch but, mostly ng babasahin natin sa internet e yung mga positive things, probably 80% of the time yung ok lang babasahin natin at yung mga pangit e nilalagpasan (SAD BUT TRUE).

    and going back to your question... kanina pa kita sinasagot ah! haha :) kaso you're not getting the point kasi ITS NOT A GOOD READ :)

    ang gusto mo ata na answer is plus 300-500cals on WO days then eat at maintenance on rest days? ganyan ba? hehehe

    i know how to lean bulk that's why i dont give DEFINITE answers :)

    live&dieNATURAL

  • allen101allen101 Posts: 5,102
    Lean bulking...... my DREAM ever since.

    :)
  • SystemSystem Posts: 109
    lean like a cholo
  • rreorarreora Posts: 178C-Class
    ang gusto mo ata na answer is plus 300-500cals on WO days then eat at maintenance on rest days? ganyan ba? hehehe

    Siguro ganito. Pero never ko pa na try tong gawin. Surplus on workout days and maintenance on rest days.

    Depende din ba sa body type or genes ang pag lean bulk?
    pag newbie ka, malaki ang chance mo sa lahat, strength gain, fatloss, mass gain, recomposition etc.

    So dahil newbie ako, pwede ko ma achieve to. Sabayan ko na lang siguro ng cardio for overall health and malessen yun body fat increase.

    Dagdag ko na din. Yun barkada ko kasi dati hindi naman sya dumaan sa bulking phase (unti pa nga yun kinakaen nya dahil gusto nya daw ng abs) pero mabilis mag improve yun muscle growth nya.

    biglang naiisip ko lang yang " plus 300-500cals on WO days then eat at maintenance on rest days" hahaha DONT FALL FOR THAT brah! :)

    F*ck genes and body type, alot of people over the past decades have proven that it could be done naturally regardless of bodytype, genes or whatever. PATIENCE LANG.

    kung gusto mo magaya sa kaibigan mo magbuhat ka lang, go hard and heavy all the time and be consistent. that's how you'll get your NEWBIE GAINS :)

    tsaka clear mo muna sa sarili mo kung LEAN-BULKING ba ang naiisip mong solution, baka naman CUT-GAINING gusto mo (build muscle and cut fat simultaneously? :duh:).

    LEAN BULK = gain mass with minimal fat gain :)

    e pano kung mataas pa BF mo? kahit mag-gain ka ng lean mass with minimal fat kung initially mataas BF mo net result mo might be MORE LEAN MASS BUT SAME AMOUNT OF BF.

    live&dieNATURAL

  • rreorarreora Posts: 178C-Class
    LEAN BULK muna sir. Kasi iniisip ko yun process pag nag cut (most probably in 6 months time) na ako baka mas mahirapan or baka maubos yun muscle gains ko.

    Kaya ko lang naman gusto yun gawin kasi wala na akong maisuot na pang gimik ko dati. Puro pumuputok na dahil sa muscle at fat gains.

    Kumbaga factor dito yun physical appearance at self-esteem (problema to ng matataba gaya ko dati). Mahirap bumalik sa ganong katawan ulit.
  • badass_vinchbadass_vinch Posts: 4,459A-Class
    gimik???? dederechohin na kita bro, sa situation mo ngayon wala ka sa position para magcome up with a program na beyond your level of understanding. Sorry, pero sa pagpapaganda ng katawan, meron talagang hierarchy na sinusunod or stages na dapat pagdaan. NEWBIE ka pa lang, kahit gayahin mo training at diet ni phil heath, or sa gym ka na tumira everyday.... that wont make you a Mr. Olympia.

    Those who want to take the easy way in BBing often get lost and start over again. Much worse is they get nowhere.

    Dami nagtatanong sakin about this pero iba iba lagi sagot ko kasi iba iba din ang variables involved.

    sinabi ko na kanina: "magbuhat ka lang, go hard and heavy all the time and be consistent."

    goodluck!:flex:

    live&dieNATURAL

  • rreorarreora Posts: 178C-Class
    "magbuhat ka lang, go hard and heavy all the time and be consistent."

    Great quote!

    Ok too sum everything you mentioned, consistency and patience is king.

    Siguro nga nag hahanap ako ng mabilis na paraan pero naiintindihan ko naman na walang mabilis na daan.

    Salamat sayo idol. Cheers!
    gimik????

    Bawal ba ako gumimik? haha
  • badass_vinchbadass_vinch Posts: 4,459A-Class
    ^pwede gumumik. wag mo lang gawing big part ng motivation ang pagporma kasi hindi naman porke hindi maganda ang katawan hindi na makakaporma sa gimik at hindi papansinin ng mga tao.

    live&dieNATURAL

  • rreorarreora Posts: 178C-Class
    Di naman yun ibig ko sabihin. Naubosan lang kasi talaga ako ng mga pang alis dahil nga lumaki ako. Tiis ganda na lang muna. Tipid tipid na din sa pag bili ng damit at ilagay na lang sa pagkain at whey paminsan minsan.
  • badass_vinchbadass_vinch Posts: 4,459A-Class
    yun na nga yun, conscious ka. naaapektohan ng ibang bagay yung goal mo na gumanda katawan. maiisip mo ba yang lean bulk kung hindi ka nagkaproblema sa isusuot mo sa gimik? mas malaki ka pa nga bago ka magbuhat diba. sa labas ka na lang ng bahay makipaginuman sa tropa para kahit walang tshirt ayos lang LOL :)

    live&dieNATURAL

  • MaloyMaloy Posts: 582C-Class
    Lahat ng personal kong kakilala na "lean bulk" , years ang ginugol para maachieve yang lean bulk na yan , ang tawag namin sa kanila ay mga taong " Batubato" :)
  • Emman1986Emman1986 Posts: 1,819B-Class
    matanong ko lang po, sa term na "lean bulk", halimbawa puro karne (chicken, beef, pork, turkey, fish, lamb) , gulay, prutas, lots whey protein and other supps like BCAA, creatine etc at kung ano ano pang pwede kainin na less fats palagi, palagay nyo mabibigyan kaya neto nang justice ang salitang "lean bulking"? Tapos halimbawa 2500cal ka dapat per day pero na meet mo sya eating those things stated above, mabigyan kaya ng justice? curious lang:blush:
Sign In or Register to comment.

Today's Bible Passage