Paano Mapabagal Ang Mabilis Na Metabolismo Ng Isang Tao?

Mga KaPBB , posible pa po bang mapabagal ang mabilis na metabolismo ng isang tao?kung posible po,paano?!
Mabilis po kasi metabolismo ko and problema ko 'to kasi gusto ko pong tumaba. .

Comments

  • YatezYatez Posts: 2,745
    Higa ka sa kama wag kang babangon at gagalaw mag pasubo ka kay mommy ng pagkain at tubig para di sayang cals na ma buburn sa pag sandok mo ng ulam at kanin.
  • ipisipis Posts: 223B-Class
    ^ HAHAHAHAHA

    baka naman hindi ka kasi kumakain ng sobra kaya d ka talaga tataba
  • JettieJettie Posts: 3,763B-Class
    Welcome brah! Baka naman mabilis ka kumain? Try mo magpaka commercial model ng shampoo na tipong nag iislow motion? Tapos , ang gaan ng feeling!

    Etchos, , first things first, how big you are eating ? Sa tingin ko, yung kinakain mo cute.

    Masterin mo muna yung super eating na tipong bukas bibitayin ka na. Baka ganun lang yung problema mo.
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    benze wrote:
    Mga KaPBB , posible pa po bang mapabagal ang mabilis na metabolismo ng isang tao?kung posible po,paano?!
    Mabilis po kasi metabolismo ko and problema ko 'to kasi gusto ko pong tumaba. .

    Paano mo nalaman na mabilis metabolism mo?

    Dahil ba hindi ka tumataba?

    E paano mo nalaman na dahil sa metabolism yun?
  • benze wrote:
    Mga KaPBB , posible pa po bang mapabagal ang mabilis na metabolismo ng isang tao?kung posible po,paano?!
    Mabilis po kasi metabolismo ko and problema ko 'to kasi gusto ko pong tumaba. .

    Buti ka pa mabilis ang metabolism, samantalang ako mabagal.

    Bago mo pabagalin ang metabolismo mo, isipin mo muna kung "bakit nga ba mabilis ang metabolismo ko?"

    Himayin mo muna, simula sa:

    1. Ikaw at ang pamilya mo - suriin mo kung "ikaw lang ba talaga" ang ganyan sa inyo o "nasa lahi niyo" 'yan.

    - Kung nasa lahi niyo naman talaga ang mabilis ang metabolism, obserbahan mo ang mga kamag-anak mo kung ganun ba sila mula pagkabata hanggang sa edad nila sa ngayon. May pagbabago ba habang tumatanda sila? Kung meron at sakaling mas nagkaroon sila ng "physical growth" habang tumatanda, 'wag mo nang pakialaman ang metabolism mo kasi babagal din 'yan.

    - Kung ikaw lang naman ang ganyan kumpara sa pamilya mo, I suggest na magpunta ka sa isang espesyalista (Endocrinologist) para masabihan ka kung anong dapat mong gawin dahil sila ang bihasa sa ganyang bagay.

    May ilang nasasabi sa internet kung paano mo mapapagal ang iyong metabolismo pero karamihan dito ay hindi naman napatunayang epektibo at maaring makapagdulot ng masama o di magandang epekto sa katawan ng tao gaya ng:

    - Pagpapaliban sa isang pagkain (Skipping a meal): Epektibo daw pero hindi tama. Sa pagpapaliban kasi sa isang pagkain, iisipin ng katawan mo na dapat itong maghanda para sa tag-gutom kaya babagalan niya ang metabolismo mo - pero hindi suportado ng medisina ang paraan na ito.

    - Magbawas sa pagkain ng calories (Eat less Calories): Kapag nagbawas ka ng calories na kakainin, naturalmenteng ang metabolismo mo ay babagal sa kanyang pagtunaw. Ang kaso? Dahil hindi sapat ang calories, kapag wala nang dapat tunawin, maaring ang muscles o body tissues mo naman ang tunawin niya. Ulcer ang labas, mas magastos pa sa gamot kesa ibili ng pagkain.

    - Tulog lang ng tulog: Siyempre, tulog ka at walang dapat tunawin.

    Marami pang ibang paraan kung paano maso-solusyunan ang problema mo pero ang dapat mong unahin higit sa lahat ay kumunsulta sa isang espesyalista. Hindi mo kasi alam kung makakabuti o mas lalong makakasama sa'yo ang gagawin mo kung magseself-medicate ka.

    :-)
  • JettieJettie Posts: 3,763B-Class
    ^hey bear cub, masyado madami na yan baka mahirapan si OP, pinaka maganda na tanong ito.

    Gaano ba kadami ang akala mong madami? Pinakadabest dyan eh picturan mo lahat ng meals mo during the entire day and ask here kung sakto na ba?

    May journal ka ba? Better dun mo post and see for yourself.
  • Jettie wrote:

    Jettie,

    Info overload ba?
  • JettieJettie Posts: 3,763B-Class
    oo, baka tamarin basahin, simple lang problema nya, kumain ng kumain at magtrain tapos.

    minsan kasi sa mga payat na tulad ko dati eh, akala ko yung 3 rice isang half pitso marami na.

    Tangina, ngayon 14 rice na ko ngayon, 4 na karton ng pizza, tombstone etc.. haha pinagyabang amf.
  • Oy tara tombstone. Haha. May ittry ako next week eh. Mighty ton burger ng casa verde.
  • Jettie wrote:
    oo, baka tamarin basahin, simple lang problema nya, kumain ng kumain at magtrain tapos.

    minsan kasi sa mga payat na tulad ko dati eh, akala ko yung 3 rice isang half pitso marami na.

    Tangina, ngayon 14 rice na ko ngayon, 4 na karton ng pizza, tombstone etc.. haha pinagyabang amf.

    Ganun?

    Kung sa bagay... pero para sa kanya pa rin naman 'yan.
Sign In or Register to comment.

Today's Bible Passage