New Member. 43kg 26y/o 5'8 Height need serious advice

Hi,

Newbie here.

I dont know where to post this and i dont know if this is the right place to post this.
if ever mali po yung place ng pag post ko paki delete na lang po or inform me po para maayos ko po.


Need ko po sana ng help and advice.
ever since payatot na po kasi ako and di talaga ako nataba kahit anung kain ang gawin ko. i read somewhere na ECTOMORPH po ang tawag sa mga katulad ko.

Kaya po ako ngayon naka focus sa bodybuilding ang main goal ko is to gain mass,weight and muscle po. i started last week HOME GYM po sana ang plan ko since nahihiya talaga ako pumasok sa mga GYM dahil super payat ko talaga 43kg lang po ako or 94lbs.

Meron po ako dumbell na pairs and 1-2 hours ko sya binubuhat everyday and also push up and situps din po ginagawa ko everyday. so bali last week pa po ako nag start mag buhat nung dumbell ko.

i dont have any food supplements or drink suplements yet dahil di ko po alam ang bibilihin ko ayaw ko naman po pumunta sa mga gym store or sa bilihan ng mga supplement na hindi ko alam ang bibilihin ko na para sakin or tama para sakin.

i am also planning to buy a bench press next week dahil nga po home gym po talaga ang plano ko since hawak ko naman ang time ko and home based po ang work ko.


hingi po sana ako ng advice at kung pwede po paki point ako sa tamang direction para magkaroon po ng results yung pag home gym ko po. ano po ba mga workout ang need ko and also inquire ko na din yung supplements na mga iniinom or vitamins po. and okay lang po ba yung 1-2 hour a day ang work out or pagbubuhat na gagawin ko?when is the best time to work out po? after eating lunch/dinner or before?

and also gaano kabigat po ba ang pwede ko buhatin? or recommended for starters

maraming salamat po

Comments

  • JettieJettie Posts: 3,763B-Class
    welcome brah!

    We can help especially if you can create a personal journal here. You can treat is as your personal diary here where you can put everything about yourself and at the same time we can give you an advice.

    First and foremost, wag ka mahiya sa gym, lahat ng malalaking katawan o malupet na katawan nagsimula sa pagiging level 1 bago sila naging godlike. o Noob from epic.

    Ako personally mas maganda sa gym para maramdaman mo yung aura ng intensity ng gym kesa sa bahay minsan nakakawalang gana hehe.


    Sa pagkain, treat it din na kasama sa training, araw araw may new goal ka na lagpasaan yung kinakain mo the day before at today mas marami, dahan dahan.. You'll get there :)
  • YatezYatez Posts: 2,745
    EAT EFFIN LOTS OF FOOD kahit 10k calories pa a day kainin mo kung totoong 94lbs ka lang gawin mo na!

    and also gaano kabigat po ba ang pwede ko buhatin? or recommended for starters

    - kung ano kaya mo lahat tayo may starting point

    wag ka din mahiya pumunta sa gym lahat ng tao may pinagmumulan kaya dapat hindi mahiya.

    seryoso ka bang 94lbs ka at 5'8? post ka ng picture parang di ako makapaniwala mas mabigat pa girlfriend ko sayo at 5'0ft 99lbs considering na siyempre mas mabigat buto at organs mo sa kanya since you guys are 8 inches apart.

    gawa ka ng journal para don ka matulungan pang intro lang to hehe anyways welcome
  • ectomeectome Posts: 64
    seryoso ka bang 94lbs ka at 5'8? post ka ng picture parang di ako makapaniwala mas mabigat pa girlfriend ko sayo at 5'0ft 99lbs considering na siyempre mas mabigat buto at organs mo sa kanya since you guys are 8 inches apart.

    opo sir eto po pics ko taken kanina after ko mag dumbells

    1476386_705215539490016_135814966_n.jpg

    @jettie and yatez

    oo nga po sir tama kayo lahat ng simula talaga sa umpisa at di ganun kataba or muscle pero kasi ako super payat talaga kaya nahihiya ako. balak ko muna sana talaga home gym hanggang mag gain lang ako ng weight ng konti at magka laman then pag medyo okay na ang katawan ko yung mag normal man lang ang itsura hindi payatot na sobra saka na ako pupunta sa gym.


    sige po gawa ako journal tom. maraming salamat po sa reply
  • badass_vinchbadass_vinch Posts: 4,466A-Class
    Rice bro..... unli rice:)

    live&dieNATURAL

  • YatezYatez Posts: 2,745
    Sa frame mong yan paking shet kakain lang ako at mag bubuhat ng mabigat sobrang gaganda na agad yan isang bulk cycle na matino lang kailangan at may mapupuntahan ka na agad.
  • CoreCore Posts: 2,509B-Class
    Used to be likethis during elementary-high school days...
    Welcome to PBB, bro!
  • ectomeectome Posts: 64
    sir sa totoo lang malakas talaga ako kumain. pero wala talaga nangyayare eh. mas malakas pa nga ako kumain sa mga kaibigan ko kaya nagugulat sila pag kasabay nila ako kumain...


    nung nag start po ako mag buhat nung dumbells and push ups situps meron naman po ako na notice kahit papaano na mass na dumagdag kaya nga po gusto ko bumili ng bench press this coming week....

    any advice po regarding sa mga mass gainer? like yung nababasa ko na serious mass or mutant mass?
  • badass_vinchbadass_vinch Posts: 4,466A-Class
    Ayos kung malakas ka kumain. Ang kelangan na lang kumain ka ng malakas ng madaming beses sa isang araw. Subukan mo kumain ng malakas every 2 hours... :)

    live&dieNATURAL

  • JettieJettie Posts: 3,763B-Class
    kumain ka beyond your imaginatioin brah, yung lakas mo kumakain akala mo lang madami :)

    Don't focus on mass gainers, focus on 1 kg rice every meal ( bigas ang sukatan ) with ofcourse may karne pa yan.

    Praktis ka dyan muna, wag ka muna mag supplement.. learn the art of super eating :)
  • CoreCore Posts: 2,509B-Class
    Rice bro..... unli rice:)

    This.
    Heto nalang. Dito ko dinaan yung sakin dati. Ansarap kayang mabusog!

    Question. Ano palang klaseng trabaho meron ka? Graveyard shift job ba? Nabanggit mo kasi na matakaw ka nga, kaso hindi ka o konti lang naggain mong mass? Hindi kaya laging kang puyat then konti lang tulog(By konti ang ibig kong sabihin as in konti, less than 6hrs/day or night)?

    Frustrated kalang siguro kaya gusto mo nang mag-supplements. Try mo ulet ire-assess yung mga basics. Pero maaaring mali din ako dahil relative din ang bodybuilding because of genetic variances...
  • badass_vinchbadass_vinch Posts: 4,466A-Class
    Teka teka.... gawa ka ng journal bro. Dun natin discuss ito. Mahabang usapan ito e. Sorry forum rules :)

    live&dieNATURAL

  • ectomeectome Posts: 64
    sige po try ko pa dagdagan yung rice na kinakain ko everyday.

    @core
    honestly web publisher po ako and yung work ko naman sa bahay hindi ko naman need lagi ng naka focus, usually check check lang ako ng email and mga alerts and notifications sa site ko wont take an hour to finish my job a day. po. and okay naman po ang tulog ko 8hours minimum minsan nakaka tulog pa ako sa hapon.

    based po kasi sa research ko ectomorph daw po talaga yung ganito? dahil sa bilis daw ng metabolism?

    iniisip ko po kasi baka kaya di talaga ako ng gain ng weight kahit super lakas ko kumain is na buburn din agad dahil sa metabolism ko. kaya naisip ko talaga at advice din ni misis na mag buhat ako kahit homebased. kaya nga po since nung tinry ko mag buhat dito sa bahay na notice ko talaga meron ako na gain kahit papaano

    sige po ginagawa ko na yung thread po sa journals. salamat po
  • CoreCore Posts: 2,509B-Class
    Nasa forum requirement pa rin ba para sa mga new members yung dapat may certain amount of posts muna silang ma-achieve bago sila mag-post ng ibang thread? Considered ba 'yung journal doon as a thread?
  • Masala MakerMasala Maker Posts: 476B-Class
    EAT EFFIN LOTS OF FOODS ftw. Kahit wag mo na isipin yung quality ng food kahit quantity nalang at the moment. Cannot stress how important it is to eat alot to get bigger. Parang pag aalaga lang ng baby. Dede sila ng dede at tulog sila ng tulog.
  • Emman1986Emman1986 Posts: 1,819B-Class
    nasa tamang forum ka brod :)
  • badass_vinchbadass_vinch Posts: 4,466A-Class
    @core

    Rules ko yun haha joke lang

    Encourage natin yung mga new members na gumawa ng journal especially those na may typical training & diet inquiries or madaming newbie questions. Sayang kasi mga advices kung matatabunan lang sa members intro :)

    live&dieNATURAL

Sign In or Register to comment.


Today's Bible Verse

Provided by Christ Notes Bible Search