Century Tuna Nutritional Facts

Matagal na pong kasama sa diet ko ang Century tuna na flat can na easy open, solid in vegetable oil. Ang nakalagay po dito na nutrition fact is 9g/serving tapos ang servings per container po niya is 3. so 9x3= 27g of protein. kaya mag 2 years na akong may 1 can of tuna per day.

Kaso recently, nagbasa ako ng Nutritional fact ng iba nilang lata, binasa ko yung "chunks in spanish style" at iba pang "chunks" which has obviously less tuna content kasi pirapiraso yun and puro filler na oil and flavor add ons.

Napansin ko while reading na lahat sila ang nakalagay na protein is same as dun sa solid in vegetable oil (which has significantly more tuna meat)
9g/serving, serving per container is 3.

ibig sabihin po ba nito ay false ang kanilang posting ng nutritional facts/contents?

at matagal ko narin pong iniisip, may side effects ba ang tuna from can compared to the natural tuna from wet market?

Thank you very much fellow lifters
«1

Comments

  • YatezYatez Posts: 2,745
    Just follow what the label says and dont make your life too complicated just be consistent, at lalo na kung di ka naman nag bibilang ng macros mo wag mong pasakitin ulo mo.
  • frappfrivanfrappfrivan Posts: 270C-Class
    @ at matagal ko narin pong iniisip, may side effects ba ang tuna from can compared to the natural tuna from wet market?

    @cguro meron side effects ang century tuna kasi dumaan siya sa process and for me mas ok ang tuna na binili bili sa wet maket kc mas affordable,makaka tawad kapa and madali lng din naman gawin ang fish in oil katulad ng century tuna bro.
  • JettieJettie Posts: 3,763B-Class
    tuna in wetmarket pa rin. Mga 200+ per kilo... lang tapos grill/ihaw/steam rapsa!~
  • anything processed is bad lalo na pag sobra, take it moderately lang sana,
  • bro.. Food technologist ako.. at kasama sa trabaho namin (LOL 4th yr college plng ako) mag analyze ng food and processes..

    out of all the canned tuna products sa market ngaun.. Century Tuna pinaka pure, legit na healthy tlga and good for diets tlga to, sulit ung protein.. ung iba kasi daming Vegetable Protein na nilalagay haha, kya mura.

    and although processed ang century.. sterilization lng po ginamit dyan.. unlike ung mga corned beef, sausage, hotdog, meatloaf etc... very bad.. hehe

    Another note.. ung nutrition facts bawal dayain pre.. makakasuhan ka nyan pag false labeling.. may batas nyan.
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    ^ Sterilization lang?

    E yung sandamakmak na sodium hindi masama?

    Ano ba yan food technologist ka na currently or food tech student?
  • monching11monching11 Posts: 7,273B-Class
    @rakista

    share mo naman iba mo pang nalalaman magandang info yan.
  • badass_vinchbadass_vinch Posts: 4,459A-Class
    idemanda na din yung KFC kasi hindi puno yung bucket tapos sa picture umaapaw ang chicken! labag din yun sa batas! LOL

    live&dieNATURAL

  • lol! so lets eat PROCESSED foods all the way!
  • StannisStannis Posts: 1,377B-Class
    Eh paano yung hot dog?
  • Opo mga ser, graduating ako ngaung march hehehe.. at nag OJT na din ako sa mga planta kaya may info na din ako kahit papano.

    Basically pag canned fish especially pag natural oil lng like sardines and tuna ang process nyan ganito

    Fish(uncooked, so fresh tlga pinagmulan) + broth(oil, water+ flavoring + spices , sodium included) then sterilize sa can, tapos na..

    I suggest kung gusto nyo bumili ng canned fish na tlgang healthy, ung natural oil lng or ung tomato.. and hindi sanda makmak na sodium nilalagay dun haha.. konti lng.. para naman may lasa kahit papano..

    Basahin nyo nalang ingredients and nutrition facts carefully para sigurado.. wag lng bile ng bile..


    basta lahat ng mga processed foods except ung canned fish(tuna,sardines etc) may mga nitrites un lahat.. Ang nitrites ay proven to be carcinogenic just saying..

    MODERATION LNG sa Laht!!! \m/
  • nrg500nrg500 Posts: 1,235B-Class
    ^ just to be safe, the more processed a food is, eat it less often

    ang problema kasi sa processed food ay yung preservatives

    canned beef/pork
    fiesta ham / hamon de bola
    sausages
    tocino


    lahat yan ay may preservatives na
  • frappfrivanfrappfrivan Posts: 270C-Class
    @rakista How about GMO's(genetically modified organisms) sir anong msasabi mo sa mga ganitong food products?
  • YatezYatez Posts: 2,745
    taenang nag ka hotdogan na ahaha
  • badass_vinchbadass_vinch Posts: 4,459A-Class
    How about franken-potato (high protein potato)?

    live&dieNATURAL

  • eh yung meat ng burger sa zarks? clone daw un. ok baun?
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    rakista020 wrote:
    Opo mga ser, graduating ako ngaung march hehehe.. at nag OJT na din ako sa mga planta kaya may info na din ako kahit papano.

    Basically pag canned fish especially pag natural oil lng like sardines and tuna ang process nyan ganito

    Fish(uncooked, so fresh tlga pinagmulan) + broth(oil, water+ flavoring + spices , sodium included) then sterilize sa can, tapos na..

    I suggest kung gusto nyo bumili ng canned fish na tlgang healthy, ung natural oil lng or ung tomato.. and hindi sanda makmak na sodium nilalagay dun haha.. konti lng.. para naman may lasa kahit papano..

    Basahin nyo nalang ingredients and nutrition facts carefully para sigurado.. wag lng bile ng bile..


    basta lahat ng mga processed foods except ung canned fish(tuna,sardines etc) may mga nitrites un lahat.. Ang nitrites ay proven to be carcinogenic just saying..

    MODERATION LNG sa Laht!!! \m/

    Do you even read the label bro?
    Alam mo ba kung ilan ang sodium nun kada lata?
    Kada lata ahh.. not just per the recommended serving.

    At hindi lang pampalasa ang purpose ng paglagay nila ng sodium, it also acts as "natural" preservative. Kaya pwede nilang sabihing "preservative free"
    Sa isang 185g na lata halos isang kutsarang asin. Konti pa ba yun?


    dcq339.jpg
  • JettieJettie Posts: 3,763B-Class
    Pag na preserve ko ba yung manok sa freezer ko , may preservatives na ba rin yun? Hehehe
  • Masala MakerMasala Maker Posts: 476B-Class
    eh yung meat ng burger sa zarks? clone daw un. ok baun?

    natitikman ko regularly yung burger ng zarks. Lasang legit. By taste feeling ko napaka kunti ng extenders nila. Baka sibuyas at breadcrumbs nga lang. Galing nung place na yun. Hahahaha.
  • eh yung meat ng burger sa zarks? clone daw un. ok baun?

    natitikman ko regularly yung burger ng zarks. Lasang legit. By taste feeling ko napaka kunti ng extenders nila. Baka sibuyas at breadcrumbs nga lang. Galing nung place na yun. Hahahaha.

    ako before kase 2x week ako nag zazarks, wed at sunday, lol masarap kung masarap, naisip ko baka ikamatay ko na eh lol!
Sign In or Register to comment.

Today's Bible Passage