Post your first time gym experience

Nagsisimula palang po ako at actually sobrang simula palang, siguro po nakapag buhat ako 3x palang and feeling ko po nakakahiya po pag pumasok ako sa mga gym na may bayad, yung mga kanto kanto lang po. Hehehe yung pinag gym-an ko po kasi, libre lang kaso kailangan kasama pa po yung may kakilala dun. Ano po bang inyong experience at tips nadin para sa mga baguhan ko, at share nyo na din po ang inyong first time experience sa isang gym. Ciao! :)
«1

Comments

  • frappfrivanfrappfrivan Posts: 270C-Class
    natural lng yan sa mga newbie, basta focus lng sa goal mo and wag mahiya mag tanong do some research bulk bulk!
  • kulafu25kulafu25 Posts: 292C-Class
    ok lang yan brad, lahat naman tayo nagsimula sa pagiging newbie..basa basa ka din dito marami ka matututunan...
  • RockcenaRockcena Posts: 603
    wag ka lang mahiya buhat ka lang, smile lang and follow sa rules sa gym :) ganyan talaga yan mawawala din hiya mo katagalan hehe
  • makipag friends sa mga nagbubuhat. para hindi ka mahihiya.
    kasi once na may kakilala ka na, may kausap kna minsan or taga tulong sa mga buhat mo
  • bomsbonbomsbon Posts: 194
    Ako first time ko nahihiya din ako tsaka pinagtitinginan dahil tig 5lbs lang na plates ang bp ko hehe,

    TIPS:
    Make friends wag lang masyado makichat haha dahil nahaba oras gym time ko dati
    Do your research sa exercise na gagawin mo para di kung ano ano ginagawa pagdating sa gym
    Tsaka eto last para sakin respect lang sa kapwa naggym yung iba kasi lalo na magtrotropa na baguhan magugulo e haharang pa sa harap mo habang nageexercise ka, and punasan ang bench after use hehe

    Yun lang goodluck sa journey :P
  • BraSoBraSo Posts: 785
    oo wag ka mahiya kase baka mahiya din mag progress katawan mo

    nice tips from bomsbon.. add ko lang, basa ka din nang proper gym etiquette para hindi pasaway ang dating mo.

    my first time gym experience:
    sa school gym namin nung hs varsity ako nang bball at swimming (hahaha! serious yun!) saka may gamit kami sa bahay ng tatay ko
  • JettieJettie Posts: 3,763B-Class
    +1 kay bomsbon!

    First time ko mag gym, dati ( gym gyman ) nandun pa si Andrew, kinalabasan nanood lang ako, taena kasi off season pa ata sya nun kaya nyeta parang pintuan.. kaya nauwi buhat ko sa umaga na lang kasi lagi sya 6pm, minsan kasama pa mga kapatid nya.. lahat kaming bagito o buhat buhatan lang tumatambay na lang, ubos plato eh.

    Then, nung last year lang, i started again pero this time karir na talaga, suplado since I did my research sa SL5x5, alam ko gagawin ko at tanggap ko na bar weight lang ako maguumpisa.

    Puro kuya ako since mabati talaga akong tao "kuya, gamit nyo ? kuya tapos na kayo? Koya koya koya!" pero in sense since walang nagamit sa power cage, dun na lang ako natambay pati dun na ko nag bebench press since everyday is upper day sa mga tao sa gym.

    Eventually lahat naman kami magkakasundo na at first time ko makasama sa xmas party nila last year , may contest pa ng how many bp can you reps? haha langya nangangatog ako sa 100 lbs nun lol.
  • pogiO6pogiO6 Posts: 34
    piniga ako ng kasabay ko 70lbs bp, pagkatayo ko pulang pula mukha ko
  • daltonkamotedaltonkamote Posts: 3,629
    1st time ko, nahihiya ako, pero at the same time excited ako kase makakabuhat nako ng mabigat para sakin mabigat naung mga 25lbs dbs eh,

    ok ung 1st time gym ko kanto gym, although mabaho lang talaga walang exhaust kase as in amoy pawis ng barbarians hahahaha! lol
  • JettieJettie Posts: 3,763B-Class
    ^tapos yung kasabihan sa gym na, mas mainit mas okay! patayin ang electric fans!
  • Masala MakerMasala Maker Posts: 476B-Class
    Wag kang mahiya, lahat ng tao rito sa forum na yan started out like that. Good luck man.
    Gawin mong kaibigan yung power rack at yung squat rack.
    Read up on the 5 basic compound lifts at alamin ang tamang form.
    Stick to a program and don't worry about what everyone else says about how low your rep ranges are or how heavy you're going.
    And above all else. Be yourself and enjoy!
  • pandoypandoy Posts: 596A-Class
    wag ka mahiya sir,
    sa umpisa nahiya din ako e. tsaka magulo yung buhat ko,kung baga walang plano, puro dumbell curls lang. haha
    ang ayaw ko lang sa gym namin ung mga high school na nag bubuhat maiingay tapos hindi binabalik yung mga dumbbells at plates na ginagamit.. kaya 1 time nasabihan sila ng macho dun sa gym na ibalik yung mga ginamit nila. hahaha.
    memorize ko narin yung mga pinapatugtog sa gym kasi isa lang ata cd nila, kung wala pang mag lalagay ng mp3/cellphone nila sa sound system hindi mababago yung sounds sa gym. lol
  • BarakoBarako Posts: 120
    First day nahilo, nasusuka, d makatayo after work out tapos pag gising sobrang sakit ng mga buto hindi ko ma i diretso kamay ko hahaha parang hanggang kalahati lang ma i diretso tapos sinundutan ko ng buhat after work out nawala lahat din feeling ko lumakas ako tapos dun na nag start ang curiosity ko about bodybuillding, started to buy magazines chat wih the pros, nung time na yun d pa uso internet konti pa lang may mga pc sa bahay.

    Nahihiya mag sando kasi puro buto katawan ko dati walang laman hahaha, Tapos para akong bulag d ko pinapansin mga tao naka tingin sa akin kasi nga ang payat ko para daw mababaklas katawan ko amp hahaha kapag nakita ko ngayon yun nagsabi nun tatampalin ko ng biceps yun ei hahahaha. (JOKE)

    Habang nagbubuhat nakatititig sa poster ni arnold schwazzeneger hahaha. Pabigatan ng buhat sa gym kesyo baguhan lang walang pang alam sa nutritions supplements etc.

    Yung isang barkada namin nag angas bumuhat ng 60kg sa bench press after ng isang set nag collapse nahimatay. Naalala ko yung first gym ko sa amin lang nasa kalye lang mga equipments back 1999. Tapos iniinom namin sarsi na softdrinks tapos lalagyan namin ng itlog yun ang pinaka supplement namin.

    Minsan beer na may itlog din. Hanggang sa lumawak ng lumawak na kaalaman napunta na sa creatine dati kapag may creatine ka mayaman ka. parang god ka na sa gym lalo na sa mga gym lang na improvise, tiyaka dapat kapag nainom ka ng creatine papakita mo na malakas ka kasi kakantsawan ka nandun na yung thinking na kapag nainom ka nun talgang malakas ka hehehe, Meron pa makiki inom ng supplement hati pa kayo sa isang tableta ng amino ng barkada hahaha. Natatawa ako kapag naaalala ko those times.

    Tyika before I forget may sakit ako dati pagtapos ko magbuhat ng isang part tatakbo muna ako sa bahay namin tapos magsasalamin pagtspos magsalamin takbo pabalik ulit gym hahahahahaa dammmnnnnn!!!
  • YatezYatez Posts: 2,745
    hahaha
  • CoreCore Posts: 2,508B-Class
    I started reading bodybuilding articles since freshmen. Pero it took me long time before I took my first step in a gym. Was really excited, because after four years, I was gonna do it for real!

    A lot of excuses kept me from starting doing competitive bodybuilding(although I haven't competed in a single show yet) like; financial reasons(P150/wk lang ata baon ko nun, walang pangmembership!)... dahil sa wala pa akong confidence to step onstage(that was during first year HS, na-overcome ko na yun)... dahil sa hindi matatanggap ng mga malalapit na tao sa akin sa gagawin kong ito (dumaan pa nga matinding argument 'to at hanggang ngayon di pa rin nila matatanggap). Because they think it was dumb, immoral, waste of time, gastos, nakakamatay(naintindihan ko naman, and was expecting that to happen)... I was once this guy who do something to please everybody. But then I realize... I have to do it for myself.

    Then came the first week of lifting, guess what happened with that four years?
    Wala man lang akong program. I don't know where to start! May idea na rin ako why doing the program of the pro's was not the good to go. Didn't do my assignments, I spent the next three hours doing random chest workouts in a certain day, then random leg workout on the next. And find myself here in the site reading this and that and rest was history!

    I love lifting, especially damn heavy stuff, before since I came to know the words 'weightlifting' and 'bodybuilding'. Well that's just me...
  • redred Posts: 753
    Unang pasok sa gym ...kasama ko pa si Allen ...

    hiyang hiya ako humawak ng bakal ... alam ko kasi mali form ...
    kung pwede lang dun na lang ako sa bike gang matapos oras kaso may instructor ...

    haha
  • kulafu25kulafu25 Posts: 292C-Class
    Barako wrote:
    First day nahilo, nasusuka, d makatayo after work out tapos pag gising sobrang sakit ng mga buto hindi ko ma i diretso kamay ko hahaha parang hanggang kalahati lang ma i diretso tapos sinundutan ko ng buhat after work out nawala lahat din feeling ko lumakas ako tapos dun na nag start ang curiosity ko about bodybuillding, started to buy magazines chat wih the pros, nung time na yun d pa uso internet konti pa lang may mga pc sa bahay.

    Nahihiya mag sando kasi puro buto katawan ko dati walang laman hahaha, Tapos para akong bulag d ko pinapansin mga tao naka tingin sa akin kasi nga ang payat ko para daw mababaklas katawan ko amp hahaha kapag nakita ko ngayon yun nagsabi nun tatampalin ko ng biceps yun ei hahahaha. (JOKE)

    Habang nagbubuhat nakatititig sa poster ni arnold schwazzeneger hahaha. Pabigatan ng buhat sa gym kesyo baguhan lang walang pang alam sa nutritions supplements etc.

    Yung isang barkada namin nag angas bumuhat ng 60kg sa bench press after ng isang set nag collapse nahimatay. Naalala ko yung first gym ko sa amin lang nasa kalye lang mga equipments back 1999. Tapos iniinom namin sarsi na softdrinks tapos lalagyan namin ng itlog yun ang pinaka supplement namin.

    Minsan beer na may itlog din. Hanggang sa lumawak ng lumawak na kaalaman napunta na sa creatine dati kapag may creatine ka mayaman ka. parang god ka na sa gym lalo na sa mga gym lang na improvise, tiyaka dapat kapag nainom ka ng creatine papakita mo na malakas ka kasi kakantsawan ka nandun na yung thinking na kapag nainom ka nun talgang malakas ka hehehe, Meron pa makiki inom ng supplement hati pa kayo sa isang tableta ng amino ng barkada hahaha. Natatawa ako kapag naaalala ko those times.

    Tyika before I forget may sakit ako dati pagtapos ko magbuhat ng isang part tatakbo muna ako sa bahay namin tapos magsasalamin pagtspos magsalamin takbo pabalik ulit gym hahahahahaa dammmnnnnn!!!

    dami ko tawa dito sir, ganda ng pagkakadeliver ng kwento niyo , lahat talaga may pinagdaraanan kapag first time pero at least we all took the first step towards greatness...hehe

    cheers sa ating mga bakal boys! =)
  • RockcenaRockcena Posts: 603
    ako 1st time gym experience sinabihan lang kasi ako nung boardm8 ko dati nag mag gym kami mga 3 weeks na kasi un nag ge gym pag dating sa gym sya ung trainor ko lol,may mga program kasi naka lagay sa wall yun sinunod namin chest, shoulder at tricep binanatan namin tig 10 lbs to 15 lbs.. buhat2x lang ako nun trip2x lang haha dun ramdam ko nanginginig na mga kamay ko pag malapit na matapos yung set.. nakikita ko iba dun amp ang lakas ambibigat na ng binubuhat sabi ko sa sarili ko mga 3 months siguro mabubuhat ko na yan haha.. fast forward..
    kinabukasan sakit nung katawan ko kahit pag kaligo ko ang hirap haha.. tas yun di muna ako bumalik dun sa gym haha after 1 month balik ako lage kasi ako napapadaan sa gym lage ako napapatingin sa gym parang ang sarap mag buhat kaso nahihiya pa rin ako pag walang kasama katagalan sabi ko sa sarili ko bat ako mahihiya amp magbabayad naman ako haha yun kahit saang gym ako pumasok mejo nahihiya pa rin ako tuwing papasok sa pintuan pero konti lang pag bago kasi sa gym pinagtitinginan ka haha
  • Lol. Nakakatuwa naman po, akala ko ako lang yung nahihiya eh. Hehehehehe sige po siguro ituloy tuloy ko na to mga kuya. Hehe. Kaso bat po meron nagtuturo sakin mag deadlift, di ko po alam kung tama, kasi base dun sa mga napapanood kong vids sa internet, straight back tapos pag pull mo, straight body lang po diba? Ang sabi sakin nung isang nag ggym dun, i mean yung pinakita nya pong form sakin, medyo naka bent po yung likod at dapat daw pag pull, extend pa hanggang likod yung hatak. Yung parang nag sstretching ka patalikod. Pero anyways dahil po baguhan, syempre sinunod. Hehehe. Pero syempre kailangan ko padin poo ng mga advice ng mga master hehehehehe salamat poo mga kuya
    Rockcena wrote:
    ako 1st time gym experience sinabihan lang kasi ako nung boardm8 ko dati nag mag gym kami mga 3 weeks na kasi un nag ge gym pag dating sa gym sya ung trainor ko lol,may mga program kasi naka lagay sa wall yun sinunod namin chest, shoulder at tricep binanatan namin tig 10 lbs to 15 lbs.. buhat2x lang ako nun trip2x lang haha dun ramdam ko nanginginig na mga kamay ko pag malapit na matapos yung set.. nakikita ko iba dun amp ang lakas ambibigat na ng binubuhat sabi ko sa sarili ko mga 3 months siguro mabubuhat ko na yan haha.. fast forward..
    kinabukasan sakit nung katawan ko kahit pag kaligo ko ang hirap haha.. tas yun di muna ako bumalik dun sa gym haha after 1 month balik ako lage kasi ako napapadaan sa gym lage ako napapatingin sa gym parang ang sarap mag buhat kaso nahihiya pa rin ako pag walang kasama katagalan sabi ko sa sarili ko bat ako mahihiya amp magbabayad naman ako haha yun kahit saang gym ako pumasok mejo nahihiya pa rin ako tuwing papasok sa pintuan pero konti lang pag bago kasi sa gym pinagtitinginan ka haha

    Nakakahiya din po kasi pag bago ka, parang lahat ng tao mapapatingin sayo. Hehehehe medyo awkward po. Hahahahahahahaha
  • YatezYatez Posts: 2,745
    ^alam ko yang tinutukoy mo sa dl haha yung nag pepelita corales pag naangat na yung bar hahaha wag mo sundin yon magtuturo nalang siya maling form pa kung ma injure ka dahil don dapat siya upakan mo, ulupong yang nag turo sayo paki sabi sa kanya haha. Check mo youtube or mga vid ni sir DS dito para sa tamang form.
Sign In or Register to comment.

Today's Bible Passage