The Underbones Thread

Wala akong balak sumakay sa mga motor dahil matatakutin ako until recently...

Binili ako ng Dad ko ng SYM Bonus X.

Hassle nga kasi hindi ako marunong mag-BIKE which is a prerequisite para makapag motor. ^_^

Dinaan ko sa tiyaga. 2 Hours a day praktis magdrive. Ngayon medyo marunong nako.

I'm starting to love it. Hehehe.. Sobrang tipid sa gas!

Sino ba may underbone dito?

Share naman kayo tips and tricks.

Comments

  • SkkinSkkin Posts: 870
    ako gusto ko mag motor pero ayaw ng mga kamag anak ko. :)
  • ipisipis Posts: 223B-Class
    ako rin gusto ko, kaso ayaw nila dito sa bahay. sabi ko pag nagkatrabaho na lang ako kasi sariling pera ko na yun. :)
  • monching11monching11 Posts: 7,273B-Class
    @chiki

    ano ung underbone? hahaha noob here! hehehe. kaya pala sa FB status mo di ka sanay magleft turn

    Ako gusto ko ng motor kasi i dont need it at the moment bihira lang ako sa bahay!

  • chikinitochikinito Posts: 461
    monching11 wrote:
    @chiki

    ano ung underbone? hahaha noob here! hehehe. kaya pala sa FB status mo di ka sanay magleft turn

    Ako gusto ko ng motor kasi i dont need it at the moment bihira lang ako sa bahay!

    An underbone is a small motorcycle built on a frame consisting mostly of one large diameter tubular component.

    Kuha ko from wikipedia. ^_^

    @all
    Ako kasi takot talaga ako. But since andito na to. Ala nako magagawa kundi gamitin and magsanay. 11 years ko ng ndi nakikita dad ko eh. Kaya I want to use his gift para masaya rin siya sakin. ^_^

    Sakto pagkabili neto nung mahal na araw may palabas sa Channel 11 tungkol sa mga naaaksidenteng nakamotorsiklo. Wahehehe.. Ang kukelet super bilis magpatakbo tapos cut ng cut. Ayun nakatapat mga bus. Patay!

  • chikinitochikinito Posts: 461
    Ahhh.. Ako kasi ginagawa ko, pag mabilis, tinitira ko yung sa likod and then piga piga sa harap. Pag mabagal lang piga piga lang sa harap.

    Parang bastos lang pagkakasabi. ^_^
  • boss_jboss_j Posts: 1,243B-Class
    ok lang yun hehehe , kaso minsan nakaka gulat pag meron biglang tawid na aso or mga bata, napapa lakas piga sa front brake kaya superman ang kakalabasan ...


    setup mo ba yung Motmot mo ?

  • chikinitochikinito Posts: 461
    Wahehehe.. Kaya takot ako sa motor eh. Yung kapitbahay namin biglang iwas sa asong dumaan. Yun.. Semplang! Broken bones. Broken underbone. Ndi pa sa kanya ang motor. Ang sakit!
  • chikinitochikinito Posts: 461
    Hehehe.. Ako takot parin ako. Kanina lang ako nag attempt sa daang mejo may traffic. Hehehe.
  • boss_jboss_j Posts: 1,243B-Class
    modify mo ba yung sayo ? hahaha ako na walan ng gana nun nagamit ko yung 1000cc na ducati lol
  • chikinitochikinito Posts: 461
    Ndi na. Baka matukso gumastos eh. Hahaha.. Wala ako gagawin. Ayusin ko lang decals. Pero isip pako. Gusto ko kasi ako mismo gagawa ng decals. ^_^

    In the future baka paint job. Buy ako compressor. Hehehe.. Pero next year pa siguro ang compressor.
  • DalmasVektazDalmasVektaz Posts: 2,157
    na alala ko yung pang drag race kong motor..nag simula sa show show lang hangang sa na hubaran at ngayon pira piraso na,aabutin ng 20 to 25k kapag bubuuhin uli. pero sayang,kapag may budget ako gagawin kong batpod un lol
  • 197lbs197lbs Posts: 331
    may mga member ba ng mcp dito? hehe
  • boss_jboss_j Posts: 1,243B-Class
    Not me haha banned na ako sa pag hawak ng motor baka mapadali buhay ko.
  • aloy0511aloy0511 Posts: 948
    meron pala tayong underbone thread. haha, naka ilan na din ako sa aksidente, pero eto pa din ako buhay at nagmomotor pa din!
  • DalmasVektazDalmasVektaz Posts: 2,157
    nakapagtataka nga rin dahil halus ang aksidente ko nun sa motor ay hindi ako nka inom,pero kapag lasing na lasing ako safe na safe pa rin nkaka uwi ng bahay
  • boss_jboss_j Posts: 1,243B-Class
    aloy0511 wrote:
    meron pala tayong underbone thread. haha, naka ilan na din ako sa aksidente, pero eto pa din ako buhay at nagmomotor pa din!

    Kulang pa sa bilis boss aloy ! joke lang :tongue:
  • aloy0511aloy0511 Posts: 948
    pareho tayo DV, pag lasing ako lahat ng kanto full stop ako haha. pero pag matino ako tumatakbo ng 80 sa highway lol :)

    @boss_j
    haha wag naman sir. bata pa siguro ako ayaw pa kunin ni lourd
  • boss_jboss_j Posts: 1,243B-Class
    Last 3months na disabled yung kapitbahay ko dahil din sa aksidente ng club sila lasing ayun 24 palang siya wheelchair na forever.
  • DalmasVektazDalmasVektaz Posts: 2,157
    rolling coffin ang motor eh,lalo na kung ang alam lang nila ay ang magpa takbo
  • 35n0h1k.jpg

    nakuha ko sa lumang album sa fb ko..heto yung drag bike ko na underbone..china made ang engine niya pero pinilit namin palitan ng Japs Spare parts na mas malaki. 125cc siya pero til 145 to 150 ang takbo niya..ang na tira na lang jan ngayon is yung engine at chassis
Sign In or Register to comment.

Today's Bible Passage