Folk Illnesses how do you handle them?

I am really having huge issues about these things especially family matters. I am still living with my parents. Gusto ko sana mag separate ways na pero sila sila lang sa bahay kaya samahan ko na lang daw muna sila. Drawback is my training is psychologically affected. Una, sinasabi na ng parents ko magbawas bawas na ako sa pagbubuhat kasi lumalabas na talaga yung mga ugat ko at hindi na raw ito healthy. Sabi raw kahit 2 times a week lang ng training okay na basta mapawisan lang. Btw, I train 5 times a week. I keep on telling them that it is caused by fat loss, muscle gains, varying skin thickness, genetics, etc. but they won't listen.

Huwag daw ako maligo after ko magbuhat dahil sa pasma na yan. I am shaking sometimes when I am doing something like lifting a pitcher of water. Eversince naman nung high school nanginginig na talaga hands ko kahit hindi pa ako nagbubuhat. It might be because of lack of Vit B Complex.

Macholesterol daw yung eggs kaya masama yung 4 whole eggs and 4 whites a day. Nakaka hihigh blood daw. I keep on telling them also na may mga scientific studies na itinama na yung perceptions regarding sa cholesterol content ng egg. Yung whites naman is halos lahat protein.

I am explaining them some facts but they refuse to believe it since iba na raw panahon ngayon. Mas maganda pa raw dati at huwag daw paniwalaan ang syensya ngayon. These things really make me feel bad lalo na kung nakikita ko silang nalulungkot kasi hindi ko sila sinusunod tumitigas na raw ulo ko eventhough I am explaining everything in a good manner.

So ngayon sinusunod ko na lang sila. Tiis ng 1 hour bago maligo. 4 eggs a day na lang. So on and so forth.

Inputs?

Comments

  • JettieJettie Posts: 3,763B-Class
    Ako, sinanay ako ng mother ko na kung ano yung tingin mong tama ilaban mo, hehe minsan nag baback fire sa kanya nauuwi sa debate tho respect pa rin umiiral pero that's how she raised us.

    Anyway, about sa buhat wala sya comment kasi wala naman sya idea.. Pero sa mga kinakain ko at first alam nyang may problema ako sa tyan noon na madalas sumakit sikmura ko at wala kami idea kung ano nagtrigger ( overeat, kulang, kabag etc ).. Sa itlog alam nyang masama ang sobra , pero syempre uso noon ang sabi sabi, tapos sa kanin diabetes, karne ganun.. Ang mahalaga sa kanila is isda at gulay lang. Inilaban ko yung sakin na eto dapat kainin ko, kayo yan sakin eto. Hanggang sa nasanay na sila sakin at nakikita naman nila result kaya support lang.

    Ngayon ang ginagawa nila, nagiisip ng pwedeng luto na pasok sakin i.e mga ampalaya, brocoli, variation ng salad at mga karne. Tapos binigyan ako ng separate na kaldero for my rice hehe.

    Eto lang yung epic line ko lagi pag nauuwi sa debate "Ma, watch and learn hehehe.. Makikita mo anak mo na poging pogi kumpara sa shenglot na itsura noon"

    Yun nga lang, sa alam nilang healthy foods especially gulay, na discover ko sa sarili ko na mahina talaga pantunaw ko sa gulay especially on high fiber foods.. Last week yung sumakit tyan ko nalaman ko na kinain ko high number of brocoli tapos sumakit ng 1-2 days tyan ko, kung ano ano naiisip ko bakit.

    Nung Tuesday night salad lettuce naman then sumakit nung madaling araw.. Tanong tanong at na google ko na isa sa mga nagcause ng abdominal pain is yung pagkain ng fresh high fiber foods causing na mahina ang enzymes na pangtunaw.. best approach is to cook instead of hugas gulay raw eating as a fresh para lumambot.

    Oo nga naman, hindi ako sanay kumain ng gulay tapos biglang kain kaya nanibago talaga.
  • lloydi12345lloydi12345 Posts: 174
    Jettie wrote:

    Nice buti nakikisabay na sila. Natawa ako sa line mo ah may shenglot shenglot pa haha. Gumugulay na nga rin ako ng marami para wala na silang mareklamo. Kung magsabi sila ano ba yan puro karne na lang lagi kinakain mo. Sinasabi ko sa kanila, dinodoble ko na rin naman po yung veggies consumption ko sa parang patas na yata?

    REGARDING SA FIBER. Directly proportional ba dapat consumption ng Fiber sa Protein?
  • JettieJettie Posts: 3,763B-Class
    Para hindi pabalang o pakomedi para hindi sya magalit hehe.. daanin sa humor para pasok.

    Honestly, I never count my vegetable intake as in mapa macros o micros.. Unli veggies talaga sya kung kaya ng sikmura ko go. Since naka IF-LG ako i need veggies sa last meal ko to promote slow digestion well syempre kasama ng meat at carbs kung training day to promote satiety during my fasting the next day.. Kung naparami ako veggies matagal ako magugutom like 18hrs-20hrs bago ako kumain ulit. Kung 0 veggies naman kahit isang kalderong kanin eh mabilis ako magutom the next day.
  • nrg500nrg500 Posts: 1,235B-Class
    I am really having huge issues about these things especially family matters. I am still living with my parents. Gusto ko sana mag separate ways na pero sila sila lang sa bahay kaya samahan ko na lang daw muna sila. Drawback is my training is psychologically affected. Una, sinasabi na ng parents ko magbawas bawas na ako sa pagbubuhat kasi lumalabas na talaga yung mga ugat ko at hindi na raw ito healthy. Sabi raw kahit 2 times a week lang ng training okay na basta mapawisan lang. Btw, I train 5 times a week. I keep on telling them that it is caused by fat loss, muscle gains, varying skin thickness, genetics, etc. but they won't listen.

    Huwag daw ako maligo after ko magbuhat dahil sa pasma na yan. I am shaking sometimes when I am doing something like lifting a pitcher of water. Eversince naman nung high school nanginginig na talaga hands ko kahit hindi pa ako nagbubuhat. It might be because of lack of Vit B Complex.

    Macholesterol daw yung eggs kaya masama yung 4 whole eggs and 4 whites a day. Nakaka hihigh blood daw. I keep on telling them also na may mga scientific studies na itinama na yung perceptions regarding sa cholesterol content ng egg. Yung whites naman is halos lahat protein.

    I am explaining them some facts but they refuse to believe it since iba na raw panahon ngayon. Mas maganda pa raw dati at huwag daw paniwalaan ang syensya ngayon. These things really make me feel bad lalo na kung nakikita ko silang nalulungkot kasi hindi ko sila sinusunod tumitigas na raw ulo ko eventhough I am explaining everything in a good manner.

    So ngayon sinusunod ko na lang sila. Tiis ng 1 hour bago maligo. 4 eggs a day na lang. So on and so forth.

    Inputs?

    Ang alam ko, walang "pasma" sa science books

    Mahirap nga i-explain sa kanila kasi nasanay na sila sa ganung paniniwala tulad ng di healthy ang fat-based diets, di healthy ang fasting, etc

    Hayaan mo na lang. Pero kung talagang pinipigilan ka nila, ang solusyon dyan ay yung nabanggit mo, bumukod ka na sa parents mo
  • lloydi12345lloydi12345 Posts: 174
    Oo nga. Yan pa yung fat based diets naging malaking isyu din!

    Hmmm oo nga eh talagang mapapa bukod na ako nito. tumetyempo lang ako :)

    Mabuti pa kayo walang mga hadlang hehehe.
  • noelnoel Posts: 304
    suggestion lang bro...
    why not take the time to sit down with your parents and talk about these things...i mean seriously talk about it.
    i'm sure can find a way to solve the problem having a win-win solution...

    parents will always be parents...and walang magulang na gusto mapahamak ang sariling anak....
  • lloydi12345lloydi12345 Posts: 174
    ^ mukhang matinde at magarbong preparation gagawin ko para dito. Hindi kasi ako sanay sa serious talk eh. Salamat sir :)
  • JettieJettie Posts: 3,763B-Class
    parang relationship lang yan sir. Mas maganda pagusapan ang future or anything na serious matters kapag nasa formal talk like on a dinner table or living room kesa sa cuddling or after jerjer.
  • nrg500nrg500 Posts: 1,235B-Class
    ^ what's jerjer?

    he he
  • lloydi12345lloydi12345 Posts: 174
    Ako din naintriga sa jerjer! sinasabi ko lang yan dati pero hindi ko rin alam :)
  • JettieJettie Posts: 3,763B-Class
    i don't know kung konyo or gay lingo or kanto to pero yan yung safe term ng "s*x". Hehe
  • noelnoel Posts: 304
    serious talk lang yung suggestion ko...napunta sa jerjer....he he he
Sign In or Register to comment.

Today's Bible Passage