My Progress

noong una akala ko kahit anong exercise basta feeling ko nakakalaki ng katawan eh okay na tapos everyday ko ginagawa. dapat pala may work out plan para ndi pabago bago ung ginagawa. walang nadadag dag at walang nababawas. pero syempre dapat pinapalitan din. nakakainggit kasi ung iba na ang lalaki ng katawan tapos pag tingin mo sa sarili mo ang laki ng diperensya.

pero syempre hndi lang yun ang dahilan. gusto ko din namang maging healthy. hindi kasi kami masyado nakakakain ng lutong bahay dahil may papasok ng umaga, tapos may papasok naman ng hapon kaya gabi na pag nagkakakitaan kami sa bahay.

gusto ko din lumakas at maggain ng weight kasi lagi na lng akong underwieght tapos mahina pa pumalo. hehe.. arnis player po kasi ako

simula nung nakita ko tong site eh madami akong natutunan kaya sana makatulong pa ung mga masters jan sa kagaya ko.

ito pala ung goal physique ko haha

313681t.jpg

Comments

Sign In or Register to comment.


Today's Bible Verse

Provided by Christ Notes Bible Search