mag tatanong lang po sa mga master

mag tatanong lang po ako sa mga master jan. bago lang ako dito sa pinoybodybuilding.com di ko nga po alam mag post ng thread at 1st time ko mag post ng thread dito. itinuro lang sakin ni master allen101. ty kay master allen.



totoo po ba yung nakakatagtag ang joging? sabi kasi nung iba sakin nakaka lawlaw daw ng muscle pag sinasabay ang jog sa pag gygym. yung chest ko daw lalawlaw pati mga bicep.


saka mag tatanong din po ako ng magandang workout routine. gusto ko kasi ibahin yung akin.

eto po yung ginagawa ko.


6x a week ako mag buhat 7x a week ako mag jog..

ang jog ko mabagal lang.. maliliit na hakbang na mabilis hakbang pero mabagal andar.. inaabot ako ng 30mins pinaka mabilis. inaabot ako ng 1hour pag may kasabay

ang buhat ko po ganito,

paulit ulit lang po ito matagal na.

monday
chest day 1 (barbels), w/ bicep

tues
shoulder "day 1", w/ tricep

wed
back "day 1", w/ legs

thurs
chest day 2 (dumbels), w/ bicep

fri
shoulder "day 2", w/ tricep

sat
back "day 2", w/ legs

sun
pahinga

tapos ganon lang ulit.. nag jojoging ako tuwing pag uwi ko.

meron time na nag rarumble yung mga buhat ko pag kunwari natigil ako ng tuesday, shoulder, tricep ako nun. wed shoulder tricep prin bubuhatin ko.. kahit 1 week ako nahinto yung huling binuhat ko yung kasunod nun yun parin bubuhatin ko.. every 1 month kasi tumitigil ako ng 5days to 7days nag liliwaliw muna ko..

ganito po yung binubuhat ko,

chest day 1 (barbel)
bench, incline, decline, pull over

chest day 2 (dumbbell)
bench flat dumbbellpres, incline dumbbell pres, plies flat, plies incline

bicep
standing barbel curl, preacher curl, hammer curl

shoulder "day 1"
millitary press, side lateral, dumbbell front raise, bent over lateral raise, (yung pang reardelts nakayuko iba tawag nung iba dito eh ewan ko kung tama tawag ko) upright rows, barbel shrags (sa likod yung barbel sa squat rack ko ginagawa)

shoulder *day 2*
arnold press, side lateral, plate raise, bent over lateral raise, upright rows, dumbel shrags

back "day 1"
baras muna warm up ko 15x 1 set
lateral pull down (front), cable row, deadlift, dumbel rows, (dalawang dumbel ginagawa ko tapos dumadapa ako sa incline)

back "day 2"
baras, lateral pulldown (fornt) barbel rowing, deadlift, single arm rowing

legs
leg press machine, leg curl, (tama ba? pang quads yung naka upo tapos aangat angat ko paa ko) tapos naka dapa naman pang hamstrings dun din sa pinag gamitan ko ng leg curl di ko alam tawag eh basta naka dapa., tapos calves raise, squats pinaka huli ko.. ang gamit ko po na pang squat barbel. hindi ko po kasi kaya sa smith machine mahirap kasi tumayo sa smith machine pag parallel squat ang gagawin.



medyo gusto ko po sana ibahin yung program ko. yung mas effective sana.


ayon po salamat.
«1

Comments

  • DSmallDivideDSmallDivide Posts: 4,565B-Class
    anu po ba ang goal natin? gain or lose weight?
  • zehelzehel Posts: 43
    gain po.
    saka yung mas bumigat sana yung binubuhat ko parang di na nadadagdagan. hirap ako mag dagdag.

    kaya po pala ako nag jojog kasi may nag sabi sakin mag jog ako konti, kasi daw heavy yung binubuhat tapos walang cardio nakakalaki daw ng puso. eh ewan ko kung totoo. pero nakasanayan ko na mag jog simula non.
  • redred Posts: 753
    sir kamusta ang meal plan?
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    Welcome bro.

    Dito na lang natin tuloy usapan.
    Payo ko lang ingat sa pagpapaniwala sa mga sinasabi ng ibang tao na malabo at wala namang patunay.
    Gaya ng tungkol sa jogging na nakakatagtag, nakakalaki ng puso etc. Paanong nakakatagtag ba? Haha

    All program works sabi nga, hanap ka lang ng program na babagay at magiging effective sayo. Malalaman mo kung ano sa pamamagitan ng trial and error.
    Subukan mo ang isang program for 8-12 weeks.
    Then imonitor mo ang progress mo.
    red wrote:
    sir kamusta ang meal plan?

    Pa iba iba.
  • redred Posts: 753
    6x a week workout, jogging everyday ... for me that is too much...
    If you want, at nakasanayan mo na talaga ang pumunta ng gym, mag 5x a week ka na lang, pero isang body part lang per day... for example, bigyan mo ng seperate day yung work out mo sa legs.

    regarding dun sa ibang mga concers mo, imho, hindi po ata totoo yun.

    good luck bro and welcome!
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    To answer sa question sa PM mo, wag mo pagsabyin ang back at legs sa isang araw.
  • DSmallDivideDSmallDivide Posts: 4,565B-Class
    Hmmmm hindi ako master ha.... but those things na namention mo about sa tag2x are news to me. pepwede pa ako maniwala kung sinabi ng kakilala mo eh "lumiliit" muscles mo pag nagjojogging ka.

    About dun sa nakakalaki ng puso kapag heavy lifting lang and no cardio (or jogging for your case) i doubt there is science w/ that c;aim. kasi kung ganun eh puro pala malalaki puso ng mga Powerlifter and majority ng bodybuilders? coz those people rarely (if not never) do cardio.

    Now about dun sa main question mo, like allen have said there are lots of programs you could use to make yourself "bigger and stronger" like 5x5, Max-OT, Starting strength, 26 week workout plan, etc... Focus more on the compound lifts (Bench, Deadlift, Squat, Overhead press, Rows). and make sure to train "efficiently". Baka pwede mo na rin post yung mga lifting stats mo at pic na din para mas ma-assess ng mga masters ang iba pang pwede isuggest sayu :)
  • There is a phenomena that is called athlete's heart. Most of the time nangyayari ito sa mga taong nasa endurance type of sports na malalakas na ang cardiovascular endurance. This is backed up by science na and doesnt really affect the person negatively. You can find it sa internet or books about exercise physiology. :) ingat lang sa info bro.
  • zehelzehel Posts: 43
    @ sir red- susubukan ko din po 5days a week, ang gagawin ko po ba dun yung kung chest.. chest lang? bali ihihiwalay ko yung arms. pag sasamahin ko nalang yung bicep at tricep? ok lang po kaya yon?

    @ sir allen101- ^^ hihiwalay ko po yung legs, ok lang po ba yung program ko sa legs or bawasan ko? o kelangan marami?

    @ sir DSmallDivide- ^^ yun nga po yung ibig nila sabihin, lumiliit daw muscle pag nag jojog. totoo ba yun?. ang sabi nga sakin pag daw sprint ginawa ko or yung mabilis na jog liliit nga daw po. kaya ang jog ko mabagal lang. pero mas mabilis naman kesa sa nag lalakad. pag sinusukat ko bicep ko hindi naman lumiliit, ewan ko lang sa chest di ko po kasi alam sukatin yung chest .. parang nasasama kasi yung back pagpinaikot ko yung tapemeasure eh.
    pano po ba mag post ng picture dito? yung picture na nilalagay ko nasa avatar ayaw mag pakita eh. yung ginawa ko tong thread parang meron ako nilagay na picture sa umpisa pero nung nagawa hindi ko din makita >< sorry mga master noob ako wag sana kayo maiinis.
    lifting stats po, di ko alam sagutin to eh, pero sabi ni sir allen sa pm lifting stats ko yung bench, bali sa bench ewan ko kung tama tong buhat ko baka nga mali eh kasi ako lang gumawa sa pinag bubuhatan ko ng ganitong reps.
    sa bench po
    set 1 bubuhat po ako ng 40x15 minsan 40x12
    set 2 150x10
    set 3 150x8 dito sir minsan ginagawa kong 150x10 parin pag parang ganado
    set 4 200x4 minsan sir 200x6 kaso pilit na pilit, saka hindi ko ginagawa x6 pag wala nag babantay sakin,

    deadlift po
    set 1 100x10
    set 2 100x10
    set 3 140x10

    bicep barbel curl
    set 1 60x10
    set 2 60x10
    set 3 60x10

    squats
    set 1 100x10
    set 2 140x10
    set 3 180x5 - nagagawa ko po ito pag inuuna ko yung squats bago ang legpress machine. pag inuna ko po yung leg press ang mabubuhat ko sa set 3 140x10 parin, pinag sasalit salit ko po kasi una leg press tapos squats, next time squats tapos leg press. pero po pag squats inuuna ko, kaya ko parin buhatin yung sa leg press.

    ayon pa nga po tanong ko.. ok lang ba pag samahin ang leg press at squats?

    ano po ba magandang program sa lower body.

    lahat po ba? parang andami... sensya na di ko eksaktong nagets yung lifting stats,

    sa pinag bubuhatan ko po ang reps nila minsan 12-10-8 yung iba 12-12-12 yung iba 10-10-10. tinatanong nga nila sakin bakit 10-8-tapos biglang 4. sinasabi ko nalang pinang hihinaan ako loob eh.

    ano ba yung over head press? millitary press ba yun? saka yung rows po ang ginagawa ko cable row. tapos minsan barbel. alisin ko na ba yung cable row?
  • acidoacido Posts: 336
    Welcome :D

    200 x 4 sa bench lakas =D
  • DSmallDivideDSmallDivide Posts: 4,565B-Class
    There is a phenomena that is called athlete's heart. Most of the time nangyayari ito sa mga taong nasa endurance type of sports na malalakas na ang cardiovascular endurance. This is backed up by science na and doesnt really affect the person negatively. You can find it sa internet or books about exercise physiology. :) ingat lang sa info bro.

    This i've heard of, kaya i was surprised na sabi nung friend ni zehel na nakakalaki ng puso ang pagbubuhat ng heavy at "di pagja-jogging" while doing heavy lifiting.
  • zehelzehel Posts: 43
    acido wrote:
    Welcome :D

    200 x 4 sa bench lakas =D

    --
    nye, master nito ko lang nagawa yon, mga 3 months pa lang. may time nga na hanggang 3 reps lang kaya ko, isa pa yun eh. nag tataka ako bakit minsan ganadong ganado ako para akong di napapagod. minsan naman parang tinadamad ako na nanlalambot buong katawan ko, pero mag bubuhat parin ako, tapos inaabot ng puro daldalan, kapag tinatamad.. tsaka pag dating ko sa incline decline, magaan nalang.
  • monching11monching11 Posts: 7,273B-Class
    There is a phenomena that is called athlete's heart. Most of the time nangyayari ito sa mga taong nasa endurance type of sports na malalakas na ang cardiovascular endurance. This is backed up by science na and doesnt really affect the person negatively. You can find it sa internet or books about exercise physiology. :) ingat lang sa info bro.

    This i've heard of, kaya i was surprised na sabi nung friend ni zehel na nakakalaki ng puso ang pagbubuhat ng heavy at "di pagja-jogging" while doing heavy lifiting.

    Insan pa explain naman sa layman's term medyo mahina comprehension skills ko pagud kasi lol. Confused ako sa which is true
  • zehelzehel Posts: 43
    hehe ako din po nahihirapan ako intindihin.
  • DSmallDivideDSmallDivide Posts: 4,565B-Class
    ang pagkakakaalam ko kasi like ng nasabi ni xbrain common ang "heart enlargement" sa endurance atheletes (take note endurance) so that would include marathoners, triathletes, etc... kasi since palaging nasa mataas na level ang heart rate nila and hindi din nabibigyan ng enough time mag-shrink ang heart muscles after expanding tapos dagdagan pa ng prolonged period na exposed sa ganung mechanism ang heart nila nagkakaroon sila ng ganoong condition. that's the gist of what i know. paki add nalang bro xbrain kung may alam ka pa or may mali akong pagkakaintindi hehehe.

    and nabanggit na rin ni xbrain walang negative effect ang pagkakaroon ng scuh condition.

    now kasi mukhang na misinform si sir zehel na pag nabubuhat daw ng mabigat at hindi daw nagjojog ay posible daw magkaroon ng same condition where i would disagree kasi PL and BBers alike lift heavy weight and those peeps rarely do cardio and i have never heard of any PL or BBer na nagkaroon ng such condition. :)
  • zehelzehel Posts: 43
    ahhh.. baliktad pala yung nasagap ko sir. so dapat bawasan ko yung jog ko, wag ko na paabutin ng 1hour.. salamat po.

    ano pala yung PL at BBer?
  • DSmallDivideDSmallDivide Posts: 4,565B-Class
    i will not say that you should stop nor am I saying that doing cardio is a sin. All i am saying you need to learn to filter the information na binibigay sayo or nababasa mo kasi it could lead to a disaster pagdating sa goals mo. :)

    Now magkakatalo na lang yan sir kung anu ba talaga goal mo. if you to become muscualrly big, then cutting the jog down a bit would more likely work for you better than just burning you hard earned muscles as fuel during your jog.

    If you have a different goal than that then post mo na lang dito we'll see kung anu pwede namin maishare na info/exeprience. :)

    PL = Powerlifter
    BBer=Bodybuilder
  • zehelzehel Posts: 43
    sir goal po mag palaki at mag palakas.
    pano po gagawin ko sa jog ko ? gawin ko nalang 15mins? hindi naman ako nag ssprint. mabagal lang yung andar ko maliliit lang hakbang ko. baka nga kasi nabuburn pati muscle ko, pansin ko kasi parang ang bagal ng improvement ko. baka nga sa jog po. parang umaalog buong katawan ko dibdib likod braso lang yata hindi habang nag jojog.
  • Mighty_OakMighty_Oak Posts: 3,940
    If you really want to run, replace your jog with sprints. Do HIIT or Tabata instead.
  • zehelzehel Posts: 43
    ano po yung HIIT at TABATA?

    ilang mins ko naman po gagawin yung sprint? mga 5mins lang kaya pwede na po?
Sign In or Register to comment.


Today's Bible Verse

Provided by Christ Notes Bible Search