Beware sa modus ng saleslady ng Jillian's store @ CnC

[size=medium]BEWARE!![/size]

Nagkaroon ako ng hindi magandang karanasan unang araw ng taon sa Jillian's store sa Cash & Carry.
Ang plano ko ay bumili ng 10lbs ON whey at Fish oil.
Ang budget ko ay 5k+ since alam ko hindi na 4.6k ang bentahan ng ON whey at 400 naman ang Fish oil. Itong eksaktong 5k ko na to ay 2 days before pa lang naka tupi at naka bukod na sa wallet ko.
Kailangan ko ng tindahan na mayroong official receipt (not cash or sales invoice) kasi ipapa reimburse ko.
Isa lang mayroon nun, Tia Loleng's.
Pero naisip kong subukan sa Jillian's since hindi pa ko nakabili dun.
Asked the price 4.7k daw sabi nung matandang tindero at official receipt daw sila.
Ok, alis lang ako saglit muna bisita sa ibang store at baka may bago or promo or what.
Pag balik ko sa Jillian's, binuhat ko na yung 10lbs na bag at chineck ko expiration date, ready to buy na. Then narinig ko tong isang saleslady sabi sa kausap niya "may pa official ofiicial receipt pa yung kani.." tinigil niya dahil sinaway siya nung kasama niya at parang sinabi na ako yun. Dun pa lang nainis na ko at ayaw ko na sanang ituloy pagbili ko pero hinayaan ko na lang. New year e, dapat good vibes.
Kinuha ko na sa wallet ko yung 5k, binilang ulit habang sinusulutan nung isang saleslady yung resibo nakita ko "sales invoice". WTF diba? So again isa pang reason para wag na sana dun bumili pero nailapag ko na sa mesa yung whey e at nakalabas na pambayad ko, hinayaan ko na lang. Sabi ko na lang paki lagyan mo na lang ng good as official receipt at pirma mo.
Then abot ng 5k sa kahera nila na naka upo sa mababang upuan at mula mata pataas lang ang kita dahil sa taas ng mesa nila. Kinuha, ibinaba then boom binalik sakin kulang daw! 4k na lang yung pera! WTF!

After some argument nagmatigas yung dalawa at talagang yun lang daw binigay ko, ako naman pinaglalaban ko pa din na 5k talaga yun. Sensing na magmamatigas talaga sila at somehow napaisip din na "BAKA", baka lang naman ako nga ang may mali binigyan ko na lang ng another 700. Gusto ko sanang sabihin na papasok ako sa loob para tignan kung talagang bang wala dun dahil malamang inipit lang nila or something, but of course I have no proof walang CCTV. At dahil gaya nga ng sinabi ko kanina, sumagi din sa isip ko na "BAKA", baka ako nga ang nagkamali. Umalis na lang ako at pinuntahan ko si misis na nagtitingin tingin ng damit sa taas.

Sinabi ko nangyari at pinag usapan kung ako ba talaga nagkamali sa pera.
Ang kinalabasan, hindi ako nagkamali ng bigay. 100% positive kami na 5k yun.

I texted the owner to report the incident, sinabi ko din na makakarating ito sa community ng mga pro/non pro bodybuilders na regular customers sa CnC, but after a day na siya nagreply at siyempre pinagtangol ang mga saleslady niya. Sino ba naman aamin na nagnakaw sila?

Wala akong intensiyon na siraan ang store dahil in fact ok din naman price niya.
Hindi ko din sinasabi na wag na kayong bumili dun. Just be more cautious.
Madami nang pumasok sa isip ko na sana ay ginawa ko o dapat sinabi ko pero hindi nakakatulong dahil lalo lang ako naiinis. So I kindly ask you not to respond na "Sana ganito ginawa mo..sinabi mo..dapat binilang mo" ... and so on dahil naisip ko na mga yan at it's too late.
Hindi yung 1k ang issue dito, may marangal naman akong trabaho at mababawi ko yun sa sweldo ko. The one that really pisses me off ay yung taong ganun, yung taong gagawan ka ng masama, taong hindi patas, wala ka namang ginagawang masama sa kaniya in fact as a customer, isa ako sa mga pinanggalingan ng sinesweldo niya, yung idea na nagago ako.
At nangaling yun sa taong sinulat ang "good as official receipt" as
"GOOD OFICIAL RES"

Probably tatanga tanga ako ng mga oras na yun but I already learned my lessons.
Hindi na din tuloy ako nakabili ng fish oil at nakaikot sa CnC, nawalan ako ng gana at inaya ko na agad umuwi si misis.

Ingat na lang mga bro.

Thanks for reading.
«13

Comments

  • Maraming Salamat po Sir Allen sa pag share po ng bad experience ninyo sa Jillian's..
  • yanyanyanyan Posts: 66D-Class
    thanks sa pag share sir allen, this will serve as a lesson not only for you but also to others na bibili. Dapat laging double check at bilangin sa harap nila yung ibibigay na pera. Marami na talagang mandaraya ngayon. sa mga bibili, be cautious.

    nadali na din ako ng ganyan, kaso ako yung tindero meron kasi kami sari sari store. kulang daw sinukli ako ng 100. eh 800 yung sukli. kaya ngayon sa harap ng costumer ko na binibilang yung sukli nila.
  • emon02emon02 Posts: 700
    Thanks for sharing bro. Yaan mo na pera lang yun. This will serve as a precautionary measure sa mga CnC buyers.
  • ay putah! super nega nga yun tol! naisahan ka don! mga gago yun ah!:angry: if sakin nngyari e makikipag away ako don tlga! gaya ng sabi mo, di yun sa 1`k yun e... yun gnagago ka! tama ka, aamin ba yun! cguro if andon kapa rin tpos nagbilangan kyo ng esmi mo ng pera nyo... may mga ganyan tao talga... pero diko akalain sa cnc e meron din ganyan! sa divi pa malamang. yaan mo nlng bro... karma na nila yun! abuloy mo nlng sa knya yun! kaya wak natayo bibili pa don!!! at maging lesson satin lahat yan.
  • Thanks for the warning
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    siddfit101 wrote:
    ay putah! super nega nga yun tol! naisahan ka don! mga gago yun ah!:angry: if sakin nngyari e makikipag away ako don tlga! gaya ng sabi mo, di yun sa 1`k yun e... yun gnagago ka! tama ka, aamin ba yun! cguro if andon kapa rin tpos nagbilangan kyo ng esmi mo ng pera nyo... may mga ganyan tao talga... pero diko akalain sa cnc e meron din ganyan! sa divi pa malamang. yaan mo nlng bro... karma na nila yun! abuloy mo nlng sa knya yun! kaya wak natayo bibili pa don!!! at maging lesson satin lahat yan.

    Ganun na nga lang bro. Medjo natagalan din ako maka get over, gang ngayon nga hindi pa e hahaha. Yes hindi ko din akalain sa CnC may ganun dahil matagal na din akong regular customer ng CnC at malaki laki na ding pera ang nagagastos ko dun.
    Maybe I should have sticked to Anselka since dun naman ako komportable bumili.
    Mababait at maasikaso mga sales clerk.
    yanyan wrote:
    thanks sa pag share sir allen, this will serve as a lesson not only for you but also to others na bibili. Dapat laging double check at bilangin sa harap nila yung ibibigay na pera. Marami na talagang mandaraya ngayon. sa mga bibili, be cautious.

    nadali na din ako ng ganyan, kaso ako yung tindero meron kasi kami sari sari store. kulang daw sinukli ako ng 100. eh 800 yung sukli. kaya ngayon sa harap ng costumer ko na binibilang yung sukli nila.

    Grabe ang mga tao no, maliit na halaga pa lang yan ah pano pa kung malaki na say hundreds of thousads or millions of pesos.Thanks guys! Ingat na lang tayo. Siguro dapat magkaroon na din ng thread ng list ng mga scammers or manloloko no hehe
  • daltonkamotedaltonkamote Posts: 3,629
    tsk tsk. yaan mo bro, new year eh, malamang buong taon kang maloloko este! swerte ang kapalit pala haha!
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    Ahaha isa nga yan sa kinaiinisan ko baka isang taon akong magancho! lol
  • Mighty_OakMighty_Oak Posts: 3,940
    Pupunta ako CnC later, sinong tindera ba naka transact mo dun? Kilala din ako dun, yang Jillian's yung dating Essences yung store na nagsara katabi ng escalator. Kakausapin ko.

    Anong cel# ang tinext mo na yun daw ang may ari? Baka mamaya kasi hindi naman. May number ako nung may-ari at yung anak nyang bading.

    Sa CnC Anselka at Tia Loleng's lang ang alam ko na may OR na tunay. The rest pwede ireklamo sa BIR pero may kapit din kasi yang mga yan kaya nag operate sa loob pa ng isang mall pero di nag issue ng OR.
  • dimzon03dimzon03 Posts: 1,526A-Class
    yari kayo ngayon kay sir mighty...:bodybuilder:
  • 19PreDaTor6819PreDaTor68 Posts: 777C-Class
    Noted papsi..karma nlng bahala sakanila.
  • dorobodorobo Posts: 27
    thanks sa warning bro
  • oo nga sir, alamin nyo nga if cno yun at para din masindak! kc mlamang e uulitin p nila yan sa iba. ireklamo nga yan sila dpat! cmulan mo na broder allen. suportahan ka ng mga co members mo dito.:sport:
  • jcumali008jcumali008 Posts: 1,090C-Class
    naku saklap naman nun sir allen, salamat sa pagbibigay ng alert para maging aware ang mga ka PBB sa experience mo.. mabilis ang karma dun sa taong yun. We also had the same experience sayo sir sa GF ko naman nangyari. pag ang karma bumalik di lang doble.. napakahigpit siguro ng pangangailangan dun at nawalan ng konsensya na gumawa ng masama sa kapwa walang mararating mga ganung tao,, lilipas din ang araw sir makakaget over ka rin sa nangyari.. saka lagot naman yun ke sir mighty..hahaha..
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    Mighty_Oak wrote:
    Pupunta ako CnC later, sinong tindera ba naka transact mo dun? Kilala din ako dun, yang Jillian's yung dating Essences yung store na nagsara katabi ng escalator. Kakausapin ko.

    Anong cel# ang tinext mo na yun daw ang may ari? Baka mamaya kasi hindi naman. May number ako nung may-ari at yung anak nyang bading.

    Sa CnC Anselka at Tia Loleng's lang ang alam ko na may OR na tunay. The rest pwede ireklamo sa BIR pero may kapit din kasi yang mga yan kaya nag operate sa loob pa ng isang mall pero di nag issue ng OR.

    Hindi ko nakuha pangalan nung mga tindera sir, dalawang maliit na medjo chubby.
    Ito yung number 09279283929 nakalimutan ko yung name pero nasa calling card.
    Hindi OR yung sa Jillian's sir sales invoice lang ang binigay sakin at yun lang daw ang binigay kasi sa kanila. Ok lang naman sakin yun kaya lang kailangan ko lang this time na OR kasi yun ang requirement ng company namin para makapagpa reimburse.
    Mukha namang yung may ari ang nagreply kaya lang pinagtangol niya siyempre mga tao niya at hindi daw nagsisinungaling mga yun at baka ako daw ang nakalimot sa pera ko. So sa part na yun mukang wala talaga. Sabi ko nga kung may cctv sana sila mapapatunayan namin ang tunay na nangyari at sinabi ko na lang na if ever may matangap ulit siyang reklamo na katulad ng sakin at least alam niya na.

    Thanks sir Mighty

    @Ang nakakatawa pa pala sa huling part ng text niya "Bili po ulit kayo samin! Thanks!"
    Hanep hahahaIto pala yung binili ko para proof na dun ako bumili..

    http://sphotos-d.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-ash3/541008_3589151547992_206906024_n.jpg

    Siguro kaya nila ko kinuhanan ng extra 1K kasi GOLD yung scoop hahaha

    http://sphotos-b.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-ash4/400029_3589149227934_46449377_n.jpg
    jcumali008 wrote:
    naku saklap naman nun sir allen, salamat sa pagbibigay ng alert para maging aware ang mga ka PBB sa experience mo.. mabilis ang karma dun sa taong yun. We also had the same experience sayo sir sa GF ko naman nangyari. pag ang karma bumalik di lang doble.. napakahigpit siguro ng pangangailangan dun at nawalan ng konsensya na gumawa ng masama sa kapwa walang mararating mga ganung tao,, lilipas din ang araw sir makakaget over ka rin sa nangyari.. saka lagot naman yun ke sir mighty..hahaha..

    Anong nangyari bro?
  • yun sakin di gold ang scoop bro... cguro gnyan n yun mga bgong lbas nila now.
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    ^ Muka nga, saka nagiba yata sila ng formula kasi bumama na ang dami ng servings, before 154 servings itong 10lbs ngayon 149 na lang. Saka di ako sure medjo parang masarap na siya sa panlasa ko ngayon lalo na with milk.
    Dati ang rate ko dito 5/10 e haha
  • allen101 wrote:

    ay bumababa agen... amp.! ang daya! nagiging mbenta kc mxado e kaya ganon na sila....dati nga sa 5lbs nila may 80servings pa sila e... now 77 nlng. sayang din yun 3 diba. hehe.
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    siddfit101 wrote:
    allen101 wrote:
    ^ Muka nga, saka nagiba yata sila ng formula kasi bumama na ang dami ng servings, before 154 servings itong 10lbs ngayon 149 na lang. Saka di ako sure medjo parang masarap na siya sa panlasa ko ngayon lalo na with milk.
    Dati ang rate ko dito 5/10 e haha

    ay bumababa agen... amp.! ang daya! nagiging mbenta kc mxado e kaya ganon na sila....dati nga sa 5lbs nila may 80servings pa sila e... now 77 nlng. sayang din yun 3 diba. hehe.

    Yes butt 74 servings na lang ngayon bro. Hehe.
    Tumaas price, bumaba din ang servings. Hopefully ang quality ay hindi gaya ng nakalagay sa takip.
    "Founded on quality, never compromising"
  • kakabili ko lng kc bago mas xmas e... vanilla icecream lng kiniha ko kc 77servings e! yun iba nga 74 below... so now, yun mga bago cguro nila e 74 nlng pinaka marami??! ang daya tlaga ba! demn.....:angry:
Sign In or Register to comment.

Today's Bible Passage