Food and supp for busy and madalas sa mga business/road trips

I guess meron dito na madalas busy or sa mga trips like pinapadala sa ibang bansa/lugar for trainings, business or just purely vacation. minsan kasi nagstruggle ako pag wala or bitin yung baon ko para ifulfill yung macros ko based on what's available. eto yung dinadala ko:

1. whey protein - sa isang maliit na container, around 15scoops.
2. peanuts - when I go to long trips, bumibili ako dito sa market ng nakapack na roasted peanuts (150g)
PROTEIN 41.000000
CARBS 45.000000
FAT 57.500000
SAT_FAT 13.000000
CAL 861.5
3. tuna in can - there was a time na nagpunta ako ng ibang lugar for vacation and adventure island trip. may baon akong tuna in cans at spoon. whenever I feel hungry, upo lang sa isang tabi at kain ng tuna.
4. tetra pack fresh milk
5. boiled eggs - nagboboil muna ako sa bahay ng 4eggs. tapos kakainin ko yun anytime (including all the yolk) na nasa byahe or nasa office.
6. quaker oatmeal cookies - carbs

worst case, pag walang makutkot sa bag, kakain na lang sa food stalls or fast foods. :( eto ang mahirap minsan lalo na kung malayo ang kainan (like sa mga island trips)

may nakita ako sa site ni Lee Hayward, paano gumawa ng high protein cookie on-the-go. hanapin ko ulit yung link and papaguide ako sa misis ko sa paggawa... hehehehe

share din kayo para makakuha tayo ng iba pang idea :)

Comments

  • 1. Whey (pero naka lagay sa plastic ng yelo each scoop)
    2. Tuna in water sa lata
    3. Skyflakes
    4. Tubig
  • CoreCore Posts: 2,508B-Class
    1. 1 1/2 cup Oatmeal < of course yung hindi instant. source of carb.
    2. 1.5L water jugs[x2] < to stay hydrated prior my workout.
    3. Boiled eggs[x4] < source of protein.
    4. Fruits; like apples and bananas < kapag may apples, apples talaga. Pampagising sa boring na klase. [Caffeine content]
    5. Lunch meal/w rice (whatever was served na pwedeng baunin, otherwise canned tuna w/ rice)

    ... 6. and sometimes Skyflakes, pero sometimes lang. As possible kasi, sticked ako sa whole foods.
  • CoreCore Posts: 2,508B-Class
    [size=x-small]*(Bump)[/size]
  • Emman1986Emman1986 Posts: 1,819B-Class
    1. Whey Protein Powder - may maliit akong tub (8 scoops )
    2. Fish Oil / MultiVitamins - may maliit akong garapong plastic
    3. Snickers
    4. Oatmeal - may maliit din akong lalagyanan (7scoops )
  • ArinexArinex Posts: 5
    Liking it basically its about those things that are healthy and good at taste at the same time.
    What you have posted can help nutritionally and is good in taking also.
  • luchi_bieluchi_bie Posts: 238
    Nagbabaon ako ng set meals sa office and day trips. Kapag more than a day, canned tuna, whey protein, pack of wheat bread.
Sign In or Register to comment.

Today's Bible Passage