How Do You Balance Your Time?

Isang detriment sa pagiging fit minsan yung masyado kang maraming ginagawa.

Minsan ang dami masyado work, and then you have to alot time for your family. Tapos minsan need mo pa mag-sideline just to make a living. All this consumes too much time. And most people, susuko na sa ganitong scenario.

Sa mga fitness guru natin. What do you do para mabalance ang time sa fitness, family, work.. etc?

Comments

  • cheesecakecheesecake Posts: 110
    i schedule everything.. time management lang yan. :)
  • chikinitochikinito Posts: 461
    Can you give an example po? Typical week sana. For the benefit of our readers.
  • HereticHeretic Posts: 78
    Hirap ako dating magbalanse ng oras kasi may negosyo kami sa QC tapos nag-aral pa ako sa Taft. May dala ako palaging maliit na "black book." Sa bawat oras na lumilipas, isinusulat ko kung ano yung nangyari't nagawa ko; kahit bullets lang puwede na.

    Sa Friday nang gabi o kaya Sabado nang hapon, rine-review ko yung mga isinulat ko tapos gumagawa ako ng comments kung saang oras may "nasayang," kung saang oras ako puwedeng makapag-singit ng workout. Dito ko nalalaman kung "marami" ba talaga akong ginawa o kung may ginawa man, productive ba? Bago ako matulog sa Sabado, sinisiguro kong may strategy na akong susubukan para sa susunod na linggo.

    Maganda ring mag-invest ka ng pera para sa sarili mong micro-gym sa bahay. Simpleng bench, dumbells & barbells tapos unti-untiin mo yung plates. Pull-up bar sa pintuan, ab roller, etc. Kahit papaano, hawak mo yung oras mo sa pagbubuhat, kahit 20-30 mins a day lang. Maganda ring ma-develop yung kakayahan na mag-power nap. Minsan yung pag-idlip ng 15-30 mins anlakas makapag-recharge.

    Sa workout naman, isinusulat ko rin kung ano yung mga nagawa kong buhat, gaano kabigat at karaming reps, etc. Nilalaro ko yung intensity, volume tsaka frequency. Hinahati ko yung workload, idini-distribute ko sa buong linggo tapos hangga't maaari, walang failure sets. Halimbawa, sa halip na bulto-bultohin ko yung back workout sa isang upuan, mayroon akong araw para sa vertical pulls (pull/chin-ups) tapos mayroon din para sa horizontal pulls (rows). Medium-intensity, medium volume, medium frequency. Nasa 92.75lbs (88.75lbs plates, 4lbs bar) dumbells per hand (185.5 both) na ako sa dumbell press and rows for 8-12 reps kaya effective naman kahit papaano.

    Kapag laspag naman ako sa opisina, pinipitik ko yung 60-80% ng workout ko nung nakaraang linggo. Kapag sa simula pa lang hirap na ako, hindi ko na itinutuloy kasi mas kailangan ko ng pahinga. Live to fight another day 'ika nga.
  • AldrinAldrin Posts: 799
    minsan kahit marami ka gagawin talaga eh talagang didiskarte ka sa schedule at pwe-pwersahin mo sarili mo ...di pwedeng laging excuse na "ok lang yan may gagawin pa kasi ako mamaya"..pano kung lagi ka may gagawin diba..hehehe
  • SkkinSkkin Posts: 870
    Time management sa akin.

    a day before naka sched na mga gagawin ko.

    Matulog ng maaga para mas madaming magawa the next day.
  • cheesecakecheesecake Posts: 110
    halimbawa maraming gagawin sa school lalo na finals week.. maraming projects maraming tests..pero pinaplano ko talaga lahat. araw araw gising ako ng 5:30 para lang makapunta ng gym, tapos habol sa class 7:30.. tapos sa hapon mag aral para sa mga finals.

    e ngayon, may trabaho, pano yan pag 8-5 yung work ko? isipin mo rin ung oras.. ano gagawin mo sa 5:30-8? o 5-10:30?

    yun kasi, naghahanap lng ng excuse hindi makapagtrain e. kung gusto mo talaga, may oras para sa lahat.
  • PjMoZPjMoZ Posts: 65
    Time management lang talaga.

    Sa work shifting ako, 6am-2pm, 2pm-10pm, 10pm-6am monthly ang scheduling.

    Pag 6am-2pm, sa hapon pag uwi gym time

    Pag 2pm-10pm, sa umaga naman before pumasok

    Pag 10pm-6am, sa hapon din bago pumasok, tulog muna pag uwi ng umaga.

    Usually M-W-F ako nagbubuhat.
  • AldrinAldrin Posts: 799
    mga tol bigyan ko kayo diskarte for short hehe...

    basta tandaan nyo dapat mga 10-12hrs lagi ang free time nyo...I mean kung sa isang araw 24hrs tayo meron diba...o kung 10-12hrs ang work nyo eh pedeng pede na...kasi 10-12hrs din ang free time mo at kasya nadun ung pag tuloy ng pagkain mo after ng work..kasi kakain ka din sa work..pati workout kasya dun sa 10-12hrs

    work or skul kumbaga hehe
  • monching11monching11 Posts: 7,273B-Class
    Pare-parehas tayong may 24 hours, ke mayaman ke mahirap.

    I remember my former boss' story when he came and hour late sa meeting with tycoons and taipans

    "We're losing money because of you being late!"

    It's how we manage and make use of our time, we have 24 hours every single day of our lives so make the most out of it.
  • chikinitochikinito Posts: 461
    Ako naman. Usually 6 hours tulog, 30 minutes nap. I keep a planner and dun ko sinusulat mga gagawin sa araw araw. I started the habit last year nung makakumpleto ako ng Starbucks Planner. Hehehe..

    Nakasulat dun lahat ng gastos ko sa isang araw and lahat ng dapat gawin. Tapos may check or cross mark yung mga nagawa and ndi nagawa. Hehehe.. It's amazing nagimprove talaga time management ko simula nung magsulat ako.

    Makakalimutin kasi ako eh.

    Sa workout, pag may work I prefer working out after work. Masyadong konti oras para magworkout kung before ako gagalaw. After work, medyo pagod pero maraming oras. Power nap lang need. Kasi pag natulog ako ng matagal tinatamad nako tumayo for a workout. ^_^

  • ronaldronald Posts: 124
    guys need ur advice mgttake ako ng board exam ds coming july nd april 5 start n ng review ko s isang review center kya hnd ko n lam kung pnu ko maisisingit ang pgwworkout ko,,mejo focus kse ako s review syempre pra mkpasa,,tnx in advnce guys
  • chikinitochikinito Posts: 461
    You can workout muna siguro sa bahay or hanap ka ng gym na malapit. If monthly na subscription mo sa gym. Pwede mo hatiin into 2 sessions ang workout mo. Kalahti sa umaga and then kalahati after review. Or pwede ka gumawa few exercises while sitting sa review center. Search mo lang sa internet mga office workout.

    Mukha ka nga lang tanga konti. But don't mind your seatmates. Pag tinanong ka, sabihin mo inaantok ka kaya need mo gumalaw galaw baka ma-stroke.

    I do it at work.. ^_^
  • ronaldronald Posts: 124
    mraming slamat bro godbless
  • chikinitochikinito Posts: 461
    np. ^_^ Pero wait ka pa sa tips ng iba ha.
  • AldrinAldrin Posts: 799
    @ronald

    try mo read ung post ko na pang post # 9...sana makatulong
  • ronaldronald Posts: 124
    @ red

    tnx bro lake tulong toh
  • monching11monching11 Posts: 7,273B-Class
    @ronald

    nung nag review ako for board exams last year I still hit the gym regularly. Pang release ng tension din ang gym at not all the time naman eh nag re-review ka di ba?
  • ronaldronald Posts: 124
    @monching

    may point k dyn bro,,time management lng tlg..tnx
  • monching11monching11 Posts: 7,273B-Class
    uu bro,

    goodluck on your exams!
  • ronaldronald Posts: 124
    tnx bro
Sign In or Register to comment.

Today's Bible Passage