Maganda ba business ang GYM?

To gym owners here, or someone familiar with the business. This is one of my dreams kase. Hehe. Hindi ko lang alam if feasible ito sakin; I mean, would having my own gym be enough to support my family? Let's say magre-rent pa ng puwesto, then the actual costs of running the gym, e.g. kuryente, tubig, trainers.. Hopefully magkaroon ako ng idea dito. Thanks!

Comments

  • allen101allen101 Posts: 5,102
    +1

    Balak ko din ito in the near future.
  • Ok to. Ala bang nagbusiness ng gym dito sa PBB?
  • naisip ko rin ito eh. i tried to compute kung magkano kaya ang kita per day sa pinaggyman ko.. samin kasi 20-30persons ang naggym kada araw, kaya lang pag sunday kaunti lang talga nggym maswerte na daw pag lumagpas ng 10.

    kung example 20persons per day. tapos 30php/session.
    20x30 = 600php/day
    600x30days = 18,000php kaya lang kasi ung iba naka monthly.. kaya di ganyan kalaki un..
    350php lang per month samin.
    so kunyari nagmonthly nalang ung 20persons na un.
    350phpx20persons = 7,000 lang ang kita nila.. hehe.. pero ung price ng pm7 nila 40php per scoop. kaya 900 ang tubo nila per 5lbs.. haha..sa bulacan kasi ito kaya kaunti ang nagbbuhat..

    sa pinaggyman ko naman sa manila medyo madami. malapit kasi sa uste. umaabot sila ng 50-70persons/day tpos 30 php din ang per session..
    kung 50persons x 30php x 30days = 45,000 per month.
    pero syempre nkamonthly ung iba. 500php naman ang monthly d2,so kung monthly ung 50persons..
    50x500 = 25,000php per month.

    wala pa ung expenses sa kuryente,tubig,renta saka bantay jan. kay mas mababawasan pa..
  • P30 na ba ngayon dito kase samin P40 (Malabon). Naalala ko nung nag-gym ako around 1999-2000 P20 lang ung buhat.

    ung Steiner gym dati sa LRT/Monumento P50 noong 2005.
  • 30php lang sa bulacan saka dun sa malapit sa may uste. pero ung dun sa uste kaya 30php kasi maliit lang tapos kaunti gamit..
  • Ang mura naman ng gym dyan sa manila. Dito sa bulacan meron p70 per session; p50 pag member. Depende din naman siguro sa quality ng gym? Anyway ang baba din pala ng kita, pang-sideline lang talaga. Lalo kung magrerent ka pa ng space. Ilang square meters kaya usually recommended sa gym? & idea sa capital?
  • yLjtyLjt Posts: 23
    shredder66 wrote:
    Ang mura naman ng gym dyan sa manila. Dito sa bulacan meron p70 per session; p50 pag member. Depende din naman siguro sa quality ng gym? Anyway ang baba din pala ng kita, pang-sideline lang talaga. Lalo kung magrerent ka pa ng space. Ilang square meters kaya usually recommended sa gym? & idea sa capital?


    Dati natanong ko yan, nalimot ko yung space kung gaano kalaki, pero yung sa budget sa gamit nasa 200k daw pero magaganda na yun, olympic bars na din.. plano din namin magtayo sa amin.
  • DalmasVektazDalmasVektaz Posts: 2,157
    pangarap ko rin magkaroon ng sariling gym at yung kakaiba,di yung tulad sa mga ensayo gym. alam niyo yung GYM JONES? parang ganun lang,simply lang at bawal ang pa cute hehehe tapos sa gabi inuman hehehe joke. ma kompleto ko lang gym equipment ko dito sa bahay,siguro mga 60% pa na gamit
Sign In or Register to comment.

Today's Bible Passage